5

3.4K 169 108
                                    

Bago ang lahat, flex ko lang ang kalandian nI Alexo Gold sa GC. Di ko kaya.

 Di ko kaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayern. Char haha
-----

Ride...


Napayukyok ako sa lamesa habang nasa kalagitnaan ng klase. Grabe, inaantok talaga ako ng sobra. Hindi ko naman alam na nakakaubos pala ng lakas makasama ang Puntavega pati yung mga babae.

Si Ice, wala siyang ginawa kung hindi matulog sa sala. Si Mattee lang ang nangiistorbo sa kanya at nakakaamaze dahil walang talab. Kinurot pa nga ni Mattee yung tyan niya kaya lang ang magandang naidulot lang noon e nahagip ng mata ko yung abs niya. Nakakaloka, akala ko si Lexo lang yung maganda amg katawan, o baka lahat talaga sila?

Si Keso naman ay parang tuko kung makakapit kay Andrea. Magyakap lang lagi at akala mo miss na miss ang isa't isa. Akala mo pinaghiwalay dati ng tadhana.

Tapos, si Milan at Dee, di ko maintindihan kung anong meron, bangayan ng bangayan pero palagi naman magkatabi. Kapag tumayo si Dakota, nakasunod agad si Milan. Kulang na lang pasukin niya hanggang sa banyo.


Si Ulap at Lexo, sobrang weird. Hindi naman sila ang kambal pero ayaw nila maghiwalay. Gago nga to si Ulap, gusto niya akong isama sa pool ulit. Sa sobrang inis ko sinipa ko siya pabalik sa pool. Ang gago imbes na magalit tuwang tuwa kase akala nakikipaglaro ako sa kanila. Nagpasipa din si Lexo, ang walangya.

My whole afternoon had been so eventful.

Habang tambay ako sa sala at dinadaldal ako ng mga babae, si Cloud bigla na lang susulpot tapos akung ano ano ang dala. Pareho sila ni Lexo.

He really is a kid.

Pero grabe, ang pinakakinabahan ako ay dun sa kay Lantis. Kase di ko siya napansin the entire time. Nagulat na lang ako kase katabi ko na siya sa kotse nung pauwi na. Hindi ko na siya kinausap kase sobrang tahimik. Nakatingin lang siya sa labas parang may iniisip. Hinatid ako ni Ice at Mattee.

Si Aedree at Xantha bumalik lang nung susunduin na yung mga lalaki. Sila ang amg uwi dun sa dalawang kung ano ano ang hinuli. Mga pagod, lagpak sa backseat nung huli kong nakita.

Yun nga, maghapon kami kila Andrea. Uminom naman ako ng gamot pero nung makauwi ako, sumama na naman ng konti ang pakiramdam ko kaya ayan, absent ako kanina sa dalawang klase.

Kung hindi ko lang major ang huli kong klase na to ay hindi ako babangon sa higaan.

Kasalanan talaga ito ni Cloud.

Sinulyapan ko ang prof namin na busy sa binabasa. May pinasagutan siya samin na tinapos ko naman agad para di ako lalo mahilo.


Inilibot ko ng bahagya ang aking paningin sa buong klase. Nakita ko pa ang isa na naghihkab din. Meron pa nga yatang tulog na.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon