3

3.6K 162 33
                                    

Pool...

Napabuntong hininga ako habang tanaw tanaw ang malaking gate sa aking harapan.

Kahit nasa labas ako ay tanaw ko pa rin ang malaking bahay sa gitna ng malawak na bakuran.

I was a few inches away but the guard kept looking at my direction. Ano ba ang akala niya, masama akong tao?

Naibaba ko ang aking tingin sa suot ko. I was wearing a fitted jeans na pinartneran ko ng plaid off-shoulder top. I was wearing a pair of boots. Siguro ang isang bagay na hindi ko maiaalis sa akin kahit pa maglayas ako ay ang pagiging maarte ko sa pananamit.

Gustong gusto kong binibihisan ang aking sarili but I don't have a specific fashiom style. Kung gusto kong mag loose shirt at short shorts tapos cap, wala akong paki. Nagsusuot ako ng damit base sa kung ano ang maganda sa aking paningin.

Naipilig ko ang aking ulo. Kanina pa pumipintig ang aking sentido dahil sa kakulangan sa tulog. Ang dami kong tinapos na write ups kagabi at halos madaling araw na ako nakatulog. Tapos kinailangan ko pang gumising agad dahil.mayroom sana kaming tutoring class nitong si Puntavega pero ang bwisit na lalaki, tinakasan na naman ako.

Imagine having only four hours of sleep and having to deal with our OIC.

Naalala ko na naman kung paano akong nakarating dito sa harapan ng bahay ng nobya ng kambal ni Cloud.

*flashback


"Sir, hindi ba talaga pwedeng iba na lang po? Marami pa naman sa list na pwede kong turuan? O kaya swap na lang," dahilan ko. I was following our OIC. Kadarating ko lang kanina at halos umikot na ang ulo ko sa hilo. Kulang ako sa tulog pero nagmamadali pa akong pumunta dito para sana maturaan si Cloud pero isang oras akong naghintay sa wala.


Kanina pa ako nakikiusap pero iisa lang ang binibigay niya sa aking sagot - hindi pwede.

Nilingon ako ulit ni Sir habang sinusundan ko siya sa loob ng Scholar's Guild. Sobrang stress ko na talaga sa Cloud na yun. Palagi na lang akong tinatakasan. Hindi ko na nga kailangang mag exercise dahil sa paghabol ko pa lang sa kanya ay nalalamog na ang katawan ko.

Nung nakaraan ay muntik na akong masubsob sa pagmamadali kong maabutan siya. Naaubos ang sana ay free time ko dahil sa paghahanap at pagsunod sa mga kapritso niya. Halos isang lingo na pero isang beses ko pa lang yata siya naturuan. At yung lintik na fifty questions, ayun, awa ng loob, nabawasan ng labing lima.

Hindi ko nga akam kung dapat ko ba yung ipagpasalamat dahil sa totoo lang, hindi naman ako umaasa noon na aabot sa lima ang tatapusin niya.

Tulad ng dati, tinakasan niya lang din ako noon kasama yung pinsan niya yata yun na takot sa mga babae. May kinakanta sila about frogs, sobrang weird. Parang may mga kulto. May mga itsura naman sana, sobra sobra sa gandang mga lalaki pero parang kinulang sa ibang bagay.

"I told you, medyo sensitive ang pamilya nila. May dahilan kung bakit hindi sila basta basta nalalapitan especially the youngest. Kaya ko sayo inassign si Mr. Puntavega dahil alam kong makakaya mo siyang ihandle," sagot niya sakin.


Tangina sir, anong makakaya? Gusto ko sanang isigaw pero pinigilan ko ang sarili ko.


E ang weird mga nun si Cloud.


Nung minsan nga parang nakita ko siya bumubulong mag isa. Tapos sabi niya nagtatago siya kase nasunog niya daw yung isang pants ng Kuya Milan niya. Paano niya yun masusunog e imposible naman na namamlamtsa siya. Ang yaman yaman kaya nila.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon