1

7.7K 207 80
                                        

Flower...

Napaungol ako ng mabasa ang message na nareceive ko mula sa OIC ng Scholars Guild ng aming paaralan.

Sa dinami-rami ng pwedeng ma-assign talaga sa akin, naku. 

Kahapon ay nagsimula kaming magreview pero ang lalaking yun, isang oras na ay iisa pa lang ang sinasagutan out of 50 questions na inilatag ko. Gusto ko sanang malaman kung saan kami mag uumpisa pero parang napakahirap talagang turuan ng lalaking iyon.


"Hinahanap mo ba yung alaga mo?"

Napanguso ako ng marinig ang tanong ng aking kaklase. Ang pangit pangit na nga napakapakialamera pa.

Nung isang araw pa to kausap ng kausap sakin simula ng makita niya kong kausap yung study buddy ko. Hindi ko nga natatandaan name niya.

Tsaka alaga? Ang laki laki nung tao bakit ko magiging alaga? Muntik na kong mapaismid.

Sinulyapan ko siya bago pilit akong ngumiti. Kaya ayaw kong pumapasok dito sa scholar's guild. Matatalino nga mga tao pero madami pa ding atribida.

"It's fine. Nandyan lang yan. Makikita ko din maya maya," sagot ko.


She looked like she wanted to add something pero tinalikuran ko na siya agad habang dala dala ko ang aking libro.

Stress na nga ako kung paano ko pagkakasyahin ang oras ko tapos kukwentuhan niya pa yata ako.

Pag labas ko ng silid ay agad akong napabuntong hininga.


Saan ko na naman kaya hahanapin ang lalaking yun? Last sem pa ko namomroblema sa kanya. Palagi akong tinatakasan. Muntik na siyang bumagsak last sem.

Although halos dalawang araw ko lang naman siyang naturaan last time para lang pumasa siya sa kanyang final exam, nastress pa din ako kase pakiramdam ko ay natalo ako. Natatalo ako ng katigasan ang kanyang ulo at kaabnormalan niya.

Two days, it was more than enough to get me stressed out.

Agad akong napabuntong hininga.

Cloud Puntavega, that's his name. Matagal ko na ding nadidinig ang apelyido nila simula ng mag aral ako dito last year. They are famous, not just because of their good looks but because of their wealth too.


Malaki ang shares na hawak ng kanilang pamilya sa paaralang ito but surprisingly, hindi ko sila nadidinig na nasasangkot sa anumang gulo.

Ganoon naman kase kadalasan hindi ba? Kapag mayaman kayo at sikat, palagi kayong sentro ng problema. Pero sila hindi. Kadalasan ay ilag sila sa mga tao. Meron pang isang spot sa bandang dulo ng paaralan na sila lang ang pwedeng gumamit. Sabi nila dahil daw yun sa bunso nilang si Alexo Gold.

Kaya ko lang yata nadidinig ang mga Puntavega dahil yung isa, yung kakambal daw ni Cloud, ay palaging laman ng Campus site kasama ang nobya niya. Actually, halos lahat naman sila may mga pictures dun kasama ng ibang nga estudyante pero pinakamatunog yung Chase dahil nga hindi na ito single.

Last year, wala siguro akong nakita sa kanila bukod dun kay Cloud. Kung hindi nga lang importante sakin tong scholarship na to baka hindi ko din yun kinausap. I don't have time para pag aksayahan ng oras ang ibang tao. Sobrang dami kong priorities na dapat unahin.

But I need this, lalo na at hindi ako humihingi ng kahit magkano kila Papa.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyari.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon