Missing you...
After one last glance on Teesha's sleeping form, I pulled the door handle and headed back to the living room, back where everybody is.
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at pinapanuod sila habang si Kuya Ae ay panay ang laklak ng kape. Stress na stress na yata si Kuya.
Kung kanina ay kabadong kabado akonat halos himatayin na sa nerbyos, ngayon naman ay nahihirapan ang aking kalooban na makita silang nahihirapan.
An hour ago ay dumating si Chase sa bahay bitbit si Teesha na natutulog na sa kanyang bisig. Nang malaman nila na dinala ni Atlas si Teesha ay nagkagulo na ang magpipinsan. Si Ulap ay halos maubos ang buhok kakasabunot nito. Si Kuya Julio at Chase ang lumabas para hanapin si Atlas habang si Alexo ay nasa control room ng kumpanya at pinatrace ang lahat ng cards ni Grey. Pinapull up din ang cctv sa mansyon ng makita ang plate number ng gamit nitong sasakyan.
Everyone was in panic. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Ahyessa sa sobrang kaba at sinisi niya ang kanyang sarili kung bakit naitakas ni Atlas si Teesha. I had to hug her and tell her that it's not her fault.
I don't know what Atlas can do pero base sa pagpapanic nila Ulap ay halos mamatay na din ako sa kaba. Paano na lang kung may mangyaring masama sa anak ko?
But then again I chose to be the stronger person this time. Ayokong mas lalong matakot si Ulap kapag nagbreakdown ako. Even Erish came dahil tinawagan ko talaga siya. He's been with me eversince at isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Siya ang nagsilbing lakas ko para umabot sa ganito
"Ayoko na, sumasakit na ang ulo ko," hinilot hilot ni Andrea ang sentido ni Chase sa pag asang mapaklma ang kasintahan. Hindi ko naman masisi si Chase dahil alam kong napagod ito sa nangyari
Kanya kanya silang upo sa sala at maging ako ay napaupo na lang sa tabi ni Ulap na agad din akong kinabig palapit sa kanya.
"Ako malapit na kong maospital. Kapag na confine ako gusto ko luto ni Ice ang kakainin ko. Namimiss ko na,"
Napaangat ng bahagya ang aking kilay sa sinabi ni Kuya Ae. Parang nahimasmasan naman ng kaunti ang magpipinsan.
"Namimiss ko na nga ding kumain ng madaming bawang e," maging si Ulap ay napabulong na din.
Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi kami nakikialam na mga babae. Kahit pa nga ang dominant ng personality namin tulad ni Xantha, their family is a topic we tend not to meddle with. Ang problema nila kay Grey ay sobrang personal na kahit sino sa amin ay hindi na nangangahas mangialam.
There is a boundary, and that's Grey.
"I'm sorry about what happened Bobbie. Hindi namin naisip na bigla na lang uuwi si Grey..." hingi ng paumanhin ni Kuya Ae.
"No, it's my fault. Nalingat ako kaya nakuha niya si Teesha..." sabat ni Ahyessa. I groaned. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na wala siyang kasalanan.
Paano ko siya sisisihin sa isang bagay na alam ko namang hindi niya ginusto? Alam kong hindi niya iisiping mapahamak ang anak ko. Walang matinong taong gugustuhing mapahamak ang kapwa niya, not unless that person is insane.
"That's Atlas. You think Grey would have the courage to fly on her own? Kahit si Lantis ay hindi nagdedesisyon kung wala si kuya," sagot ni Ulap. Hinimas himas niya ang aking braso at naramdaman ko pa ang naging paghalik niya sa uluhan. Napatingin ako sa direksyon ni Erish na ipinilig lamang ang ulo bilang tugon. I don't think he had met Grey before.

BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...