Explode...
Contrary to what I was expecting, my father didn't say much about Cloud and I being back together.
Noong umuwi kami ay hindi pumayag si Ulap na hindi siya kasama. He said it's time he meet my family.
The first two hours was so awkward. Both my Dad and Erish doesn't really talk that much. But Ulap is different. Tuwang tuwa sa kanya si Mommy at idagdag mo pa si Teesha na sobrang daming kwento tungkol sa ama niya.
It's just so weird how Teesha jumps from her Tito daddy to her Pappy Bear. Hindi ko alam kung paano magrereact ngunit napansin ko ang pagtaas bahagya ng kilay ni Ulap nang una niyang marinig si Teesha.
It was a long night. Nag usap si Dad at si Ulap, at nag usap din si Ulap si Erish. I don't really understand why they all have to talk. Bakit ganoon ang mga lalaki? May pausap usap pang nalalaman. If I say I love him, dapat iyon lang ang pakikingan niya.
Men and their egos.
Hinayaan ko na lamang silang mag usap. Bahala silang mag away na dalawa kung gusto nila. Sure Erish was also my ex, the only ex I had ever after Ulap.
But more than being just my ex, he's more of my bestfriend. Siya ang naging sandalan ko noong mga panahong durog na durog ako at nilulunod ko ang sarili ko sa kalungkutan dahil malayo ako kay Ulap. I never saw him as a rebound. Pero mabilis din naming narealize na hindi kami para sa isa't isa. Oo nga't natotolerate namin ang ugali ng bawat isa pero hindi ko masisikmurang ikulong siya sa isang relasyong pareho naming alam na sasakal sa amin sa huli.
And him being my bestfriend means he and Ulap would have to deal with each other a lot of times. Kung kailangan nilang mag usap ng matagal para magkasundo, so be it. Dahil sa ayaw at sa gusto nila ay palagi silang magkikita. Erish is almost the second father of my kids, both Teesha and Taias.
For some reason, nadinig ko din si Ulap at Dad na nag uusap tungkol sa negosyo. Nakwento ko din kase kay Ulap na isa iyon sa dahilan kung bakit ginustong umuwi nila Dad. May sinabi si Dad na parang sobra siyang naging interesado. Hindi ko na lang pinakailaman dahil wala naman akong alam sa mga negosyo nila.
Nang matapos silang mag usap ay umuwi din naman kami agad. All those heavy feeling inside me seemed to simply vanished in a night. Napakagaan ng aking pakiramdam at hindi ko naiwasang maging extra sweet kay Ulap. Hindi pa sila.ganoong kaclose ni Dad but I know, in no time ay mapapalambot niya din ang aking ama.
We ended up sleeping and cuddling with Teesha between us. Napakasarap matulog sa gabi ng walang inaalala. It just gives you so much peace and serenity.
Isang ngiti ang aking pinakawalan ng batiin ako ng gwardya papasok sa building ng opisina nila Ulap. Naiwan si Teesha sa bahay dahil magbebake daw sila ng tita Ahyessa niya. Noong una ay ayaw kong pumayag dahil masyadong makulit si Teesha. Baka mamaya ay makagulo lamang siya o mapahamak pa siya sa kusina but Andrea said that Ahyessa is really good at it. At nandoon din siya. She'll make sure that Teesha only handle dry ingredients at malayo ito sa mga bagay na ikapapahamak nito.
Ayaw din namang sumama ni Teesha. Ganoon naman ang batang iyon, sa umpisa lamang ganado sa mga lakad. Alam niya kase na siya ang unang hahanapin ng kanyang ama kapag umuwi na ito.
"Mrs. Puntavega!" agad na namula ang aking pisngi nang madinig ang malakas na pagtawag sa akin ng receptionist nang nakalapit ako sa kanila. I remember the first time I chatted with them. Ang dami kong nalaman. Naging kaclose ko na din sila sa ilang beses kong naging pagdalaw dito.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...