35

2.7K 128 60
                                    

Nagising ako, at kumain. So ayan.

-----------
Sayang...

"Okay, three days. It only took you three days para sirain ang pantasya ng bata tungkol sa konsepto ng pamilya. Honestly, what is wrong with you two?" naiinis na tanong ni Kuya Aedree. Napayuko naman ako agad sa sinabi niya. He was walking back and front in front of us habang ang mga kamay ay nakadantay sa kanyang balakang.

Mateesha was in Chase's room kasama ang kuya Taias niya. Binabantayan sila doon ni Andrea. Ayaw daw kaming makita dahil nag aaway lamang daw kami.

To hear that is very painful for me. Mukhang hindi maganda ang naging tingin niya nang makita kaming nag aaway kanina.


"Kapag hindi kayo tumigil sa kakaaway na dalawa ay palalayasin ko kayo sa mansyon! Kami na lang ng mga bata ang titira dito. Cloud, hindi mo man lang ba iniisip ang magiging epekto nito sa anak mo?" dagdag pa niya. Lalo tuloy akong napayuko.

Anong klase akong magulang? I came here for Taias but I knew, I knew Teesha will eventually be affected too. Alam kong hindi ko siya maitatago habang buhay sa kanyang ama.

God, I messed up.

Mas inuna ko ang mga nararamdaman ko kaysa ang isipin ang kapakanan ng anak ko. Inuna ko ang sarili ko when my daughter's welfare should have come first!

"Hindi naman kami nag aaway kanina kuya," bulong ni Cloud. He was sitting beside me at para kaming mga bata na pinapagalitan niya.


Sa harapan namin ay sila Julio, Chase at Lexo na mukhang tuwang tuwa dahil hindi sila ang nasesermunan.

"Ang saya saya, parang may shooting ng teleserye dito sa bahay," tuwang tuwang turan ni Alexo. Natawa naman agad si Chase sa sinabi ng kanyang pinsan.

"E kung ibang shooting ang gawin ko sayo at barilin kitang hayop na bata ka?" naiinis na turan ni Kuya Aedree.


"Luh si Kuya, kayo nga pag nag iiyakan ni Xantha hindi naman kami nangingialam,"

"Anong hindi?" halos pumutok ang litid bi Kuya Aedree at nanlalaki pa ang mga mata dahil sa tila alaalang pumasok sa isipan niya. "Kinuhanan mo kami ng video habang nag aaway! Muntik mo pang ipost sa Youtube kung hindi ka pinigilan ni Julio. Vlogger ka bang hayop ka?"

Pinigilan ko namang matawa bigla sa pinag uusapan nila. That sounds something Lexo would really do, or Ulap. Sa naisip ay napatingin naman ako agad sa kanyang direksyon at muntik na akong mapamura ng marealize na nakatitig din siya sa akin.

"Hindi sa kinakampihan ko si Gold kuya pero para kase kayong tanga. Pinag aawayan niyo yung tindera ng milktea sa kabilang kanto, kung peke ba yung kilay o hindi. Tapos kapag napikon tapos nag away mag-iiyakan kayo. Minsan nga gusto ko nang ipadala ang storya niyo para mafeature sa tv e!"

Ang malakas na tawa ni Chase ang nagpabaling muli sa aking atensyon sa kanila.

"Kaya lang naisip ni Julio na kapag ginawa niya iyon ay wawalangyain ni Xantha si Ara. Alam mo naman tong si Julio, napaka-under!"

Pinaningkitan siya ng nga mata ni Julio. "Hey, my girl is so pure. Baka hindi niya kayanin ang kabaliwan ni Xantha.

"Tigilan niyo nga! At wala kayong paki. Mag imbento din kayo ng away ng mga babae mong hayop ka,"

Napailing na lang si Julio sa inasal ng kuya niya. I can't believe I miss this. I miss their cute banters. I miss being with my friends.


CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon