22

2.6K 124 26
                                    

Bakit ganito?

"Bakit?" hindi ko napigilang tanong kay Ulap. He was seated right opposite of me as we stay on the bench sa gilid ng quadrangle. Nasa school kami ngayon, vacant at gumagawa ako ng report habang siya ay kanina pa panay ang titig sa akin.


He was just there on his grey hoodie and black pants. Nakacap pa siya ng pabaligtad. Kahit nakatalikod siya sa daanan ay nakakahakot pa din siya ng atensyon, patunay ang mga babaeng pasimple pang lumilingon kahit pa nga nakalayo na para lamang masilip siya.


Napaismid ako. They can stare all they want but his eyes will only be directed to me. Matagal ko nang napatunayan ang bagay na iyan.

Tulad na lamang ngayon. Nakatitig lamang siya sa akin, sapo ng kanyang mga palad ang kanyang mga pisngi.

Bigla akong kinabahan. Parang ang lalim kase bigla ng iniisip niya. Titingin sa akin tapos iiling tapos titingin ulit.


Not that I'm complaining though but sobrang hirap magconcentrate. Napaangat bigla ang aking kilay ng mayroong maalala.

Feeling ko ay may plano na naman siyang hindi maganda. Nung huli kaseng naging ganito siya ay bigla na lamang siyang nawala tapos nalaman ko na lang nag aral sila ni Alexo mag tattoo.

Hindi na namin itinanong kung bakit nila bigla naisipan dahil baka mas lalo lamang kaming magulat. Mabuti na lamang at nasaktuhan sila ni Kuya Julio noong papasok na sa loob ng tattoo shop. Malapit lamang kase sa Rkive iyon at tiyempo namang bumibili si kuya sa labas.

I just don't underatand those two. Palagi silang nag aaway lately pero isang kalabit lang ng isa ay daig pa ang magdyowa at hindi mo na naman mapaghiwalay.

"Nakita niyo si Dakota?"

Napalingon kaming dalawa ni Ulap ng madinig namin si Kuya Milan. He looked a little stressed at iniisip ko tuloy kung magkaaway na naman ba sila ni Dee.

"Pangit ka daw kaya nakipagdate sa iba," sagot ni Ulap sa kuya niya na ikinatawa ko naman agad. Nakapeace sign pa ang loko at tuwang tuwa sa joke niya. Hindi niya ba ramdam na paramg iba ang mood ni Kuya Milan? Kapag talaga nasapok na siya ng kuya niya ay hindi ko siya talaga papansinin.

"Wow, nagtanong lang ako diba? Tangina neto. Nananaket, hayop,"

"Galett na galetttt," bulong ni Ulap habang pinapanuod namin ang kuya niya na parang susugod sa gyera habang naglalakad palayo sa amin. May ganoong moments si kuya Milan e, gigil na gigil maglakad. Mas lalo ko tuloy naconfirm na frustrated ang panganay nila Chase.

"Kuya saan ka pupunta?!" sigaw ni Ulap. Lumingom naman din si Kuya Milan na nakasimangot pa din.

"Susunduin ko lang sila Mattee," sagot nito tsaka diretso na ulit naglakad palayo. Napakunot pa ang aking noo ng mapansin si Grey na bumubuntot buntot kay Kuya Milan. Ano na naman trip ng batang iyon?


Lately, nagiging mas lalong weird si Lantis. Nawawala na lamang na parang bula tapos bigla na lamang ulit susulpot na tila sobrang confused na ewan. Unlike before, Lantis is showing a lot more emotions than before. Napag usapan nga naming lahat iyon minsan. We feel like Grey is taking over sometimes kapag nasa labas kami. We're not even sure these changes is a good thing or not. Sila Kuya Ae at Ice lamang din naman ang nagmomonitor ng progress ng prinsesa nila, tsaka si Chase na din dahil siya naman ang nakakapansin halos.

"Bobbie, saan ba si kuya doon nasaktan, sa pangit siya o sa may kadate si Dakota?"

Napabaling ang tingin ko kay Ulap. Seryoso ang kanyang mukha na parang may napakalaking tanong sa buhay niya na kailangang mabigyan ng kasagutan. Hindi ko na napigilang humalukipkip.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon