Ito na, hindi ko sinasadya at wala akong intensyon. Nanunuod lang talaga ako ng kdrama - wholesome, Doctor Prisoner ganoon. Kaya lang ganito ang kinalabasan.
Isa pa, hindi ako expert. Jusko, kapag naistress ako burahin ko to 😂. Anyways, it may be a little uncomfortable for others but yeah, skip it kapag ayaw mo :)
-------
Stop...
"Namiss kita..." agad akong kinilabutan ng maramdaman ang paglapat ng kamay ni Ulap sa aking baywang, hanggang sa pumaikot na ito ng tuluyan at mapasandal ang likuran ko sa dibdib niya.
Sa kakaunti kong paggalaw ay nabaanag ko ang perpekto niyang mukha at nalanghap ko pa ang amoy ng kanyang pabango.
Mygad Ulap, paano ako papasok sa iskul?
Napalunok ako. Nakapikit na ang kanyang mga mata na lalong nakapagpabaliw sa aking sistema.
Minsan ay gusto ko na ding magreklamo kay Papa God. Bakit ganito na katindi ang epekto sa akin ni Ulap, e si Ulap lang naman siya?
"I love you..." bulong niya at parang lumundag ang aking puso palabas. Kung paanong parang musika na namutawi sa kanyang labi ang mga salitang iyon ay hindi ko na mawari.
It just sounded so beautiful to my ears. Kahit yata paulit ulit niyang sabihin ang mga salitang iyon ay hinding hindi ako magsasawa.
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi bago naigala ang tingin sa paligid. Napahinga ako ng malalim nang mapansin wala si Dad sa loob.
Napaharap ako agad sa kanya at agad iniyakap ang aking kamay sa kanyang baywang. Ako kase ang nagbabantay ngayon kay Mattee at umuwi muna si Tita para magpahinga. Ang dami din kase nilang inaayos nila tito. Kanina ay nandito pa sila Dad at Mom ngunit baka umuwi na din sila dahil gabi na. Isa pa ay kailangan din ng pahinga ni Mom.
May isa pang kwarto sa loob ng VIP room na pinag iistayan ni Mattee ay madalas ay ako lamang ang gumagamit nito.
Hindi ko ba alam kung magpapasalamat ako na hindi sila inabutan ni Ulap, o malulungkot ako dahil hindi nila makikita kung gaano kabuti at kapuro ang puso ng taong minahal ko.
Napaangat ang aking kamay at ikinulong ang kanyang maliit na mukha sa aking mga palad.
"Bagong ligo ang baby ko ah," nakangiti kong turan at hindi ko na napigilang haplusin ng dahan dahan ang kanyang mga pisngi.
"Bango, bango naman niyan baby Ulap ko na yan! Lapit ka nga dito dali, paamoy nga!" natatawa kong turan bago inilapit ang aking mukha sa kanyang leeg at sininghot singhot ito.
"Hmmm, bango!" natatawa kong turan na ikiniskis pa ang aking ilong sa kanyang leeg.
Para bang nanigas saglit ang kanyang katawan mula sa pagkakakapit sa akin. Nagulat ako ng bigla na lamang niya ako hinatak palayo, ang kanyang buong mukha ay halos namumula na at naglabasan pa yata ang ugat sa kanyang leeg at nanggagalaiti na. Para siyang kinapos bigla ng hininga e hindi naman sana mainit dito sa kwarto ni Mattee.
"Fuck, Bobbie!" nanlaki ang kanyang mga mata at pinanuod ko pa kung ilang beses siyang napalunok.
Tatlo, nauuhaw ba siya?
Binasa niya ang pang ibaba niyang labi at halos habulin na ang kanyang hininga. Pinagpapawisan na siya agad.
"Shit!"
Bigla na lamang niya akong binitawan at tinalikuran ako, ang kanyang isang kamay ay nakapatong na sa kanyang baywang habang ang isa ay sapo ang kanyang noo na tila ba napakalaki ng problema.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...