Alexo's Memories

2.8K 124 16
                                    

Special Chapter - Alexo


"Kuya, si Baby V parang may kabag. Ang baho ng utot niya,"

Napakunot ang noo ko nung madinig ko ang sinabi ni Kuya Ulap kay Kuya Milan. Naku yung aso niya may taning na yata talaga ang buhay! Minsan parang baliw yun, aso naman sana pero nagkakandirit papunta sa kusina.

Gusto ba niya ng pagkain namin e masarap naman sana iyong kanya? Natikman ko nga iyon. Kaunti lang lamang nung bawang recipe ni Kuya Yelo sa pagkain niya e!

Parang nagutom tuloy ako bigla.

"Ano tukmol, naubos na din utak mo? Baka kase utot ni Julio yun! Siya lang naman ang may kabag simula kanina!"

"Hala kay Kuya Julio iyon? Parang patay na hayop yung amoy. May nakain siyang patay?"

Magsasalita pa sana ako nung biglang may sumingaw malapit sa mukha ko. Nakahiga ako sa sofa sa sala. Ginamit kase ni Kuya Yelo yung kotse ko kaya hindi ako makagala. Nag off tuloy ako ng cellphone dahil siguradong may mananadtad sa akin. Mahirap na.

Nanlaki ang aking mata ng unti unting nilamon ang pang amoy ko ng nakakamamatay na enerhiya. Daig pa neto powers ni Thanos sa lakas ah!

"Putangina ang baho!" napabalingwas ako ng bangon. Ang dalawa kong kamay ay nakatakip na sa malaki kong ilong. Parang sinasaluksok ang bawat kanto ng ilong ko sa sobrang tapang ng amoy.

"Magmura ka pa tukmol ka. Isa pa, pasmado na din bibig mo ah. Saan ka natuto magmura?"

Umatras ako ng tatlo kahit pa nga gigil na gigil si Kuya Ae. Gamit ang dalawa kong kamay ay takip takip ko ang aking bibig at ilong. Ang sama makatingin ni Kuya Ae habang hawak ang cellphone niya. Ang tapang ng resistensya puta e para na kaya akong hihimatayin sa baho. Ibang klase, ang lethal.

Si Kuya Julio nakahiga pa din sa sofa, ang putla na ng mukha. Gago may patay yatang isda sa tiyan ng pinsan ko e!


Gusto ko sanang magmura ulit pero hindi ako makapagsalita. Walanghiya ang baho talaga.

"Punyeta ka Julio, sunugin mo na nga yang puwet mo!" sigaw ni Kuya Keso. Hindi na siya nagkukuya kay Kuya Julio kase kaunti lang din naman tanda niya samin. Kami lang naman ni Kuya Ulap ang laging nag kukuya. Si Kuya Yelo nga minsan hoy lang tawag sa kuya namin e.

"E kung yung kuwarto mo kaya ang sunugin ko? Tigilan niyo ako at hirap na hirap na ako dito," napangiwi pa siya habang nagsasalita. Si Kuya Keso na panay lang naman ang text at bihirang umuwi dito ay tumayo tsaka pumwesto malapit sa hagdan. Halatang nabadtrip. Kahit ako nababadtrip sa sobrang baho e.

Gusto ko sanang tumabi pero feeling ko talaga aabot pa din doon ang amoy e. Baka kailangan pa naming magpaspray ng disinfectant sa buong bahay!

Wala na akong nagawa kundi tumakbo palapit kay Kuya Ulap na nasa kabila ng sofa kasama yung aso niyang brat. Sino kaya bumili ng silver na bra ni Baby V?

Nang mag alis ako ng takip ng ilong ay habol habol ko na ang aking hininga. Lintik na amoy, patatawarin.

"Ano bang kinain mo sa Rkive at parang nabulok na palaka yang inilalabas mo? Baka tumatanggap ka ng mga pagkain sa mga babaeng umaaligid doon? Mamaya ano ang inilagay nila bahala ka!"

"May pambili ako ng pagkain Kuya Ae, kung makabintang ka sakin. Ikaw nga ang sugapa diyan. Wala kang tinatanggihan kapag may nag aabot sayo ng regalo. Simple ka ding buraot e,"


"Ay ang sungit naman July. Nagtatanong lang naman at papatayin mo yata ang pamilya natin sa delubyong dala mo. Kita mo nga si Grey nagkulong aa kwarto dahil di kinaya yang baho ng uto- aray ha!" natawa si Kuya Ae ng malakas ng balibagin siya ni Kuya Julio ng unan. Tibay ni Kuya, sapol naman sana sa mukha pero lakas makatawa.


CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon