19

2.9K 139 75
                                    

Bawal...


"Okay ka lang? Ayaw mo ba ng movie?" tanong ni Cloud sa akin. 

Para akong batang sunud-sunuran at walang nagawa kung hindi ang umiling bilang sagot sa kanyang katanungan. 

Sa totoo lamang ay hindi ko na din naiintindihan ang mga nangyayari. Basta nakita ko na lamang ang aking sarili na nakasandal ang likuran sa headboard ng aking kama habang katabi siya.

Sa harapan namin ay ang aking laptop kung saan kami nanunuod na hindi ko na din naman maintindihan talaga kung tungkol saan. Paano ba naman kase ako makakapag concentrate kung katabi ko siya dito sa kama tapos naaamoy ko pa talaga ang pabango niya?

Paano?

Nakatalukbong ang kalahati ng aming katawan ng kumot habang ang isa kong kamay ay kanina pa sakop ng kaniya at talagang hindi ito binitawan. 

Pakiramdama ko nga ay pawis na iyon. Para nang nakipagdigmaan sa MRT, ganoon! Sa totoo lang ang hirap hirap huminga! Struggle ang kumilos lalo pa't nagkakabunguan ang aming mga balikat. 


Kung paanong malaya siyang nakapasok sa kwarto ko ay hindi talaga kapanipaniwala. Basta kanina, pagkatapos naming magsigawan sa labas g dorm, o kung away ba yun dahil ang landi landi niya naman, ay sumabay siya sa aking maglakad papasok. Akala ko ay ihahatid niya lang ako sa bukana ng dorm pero nagulat ako ng bigla na lamang siyang tanguan nung landlady. 


Hindi lingid sa akin na shareholder ang pamilya nila sa paaralang ito ngunit sabi nga ni Xantha, hindi lang naman sila ang mayaman na nag aaral dito sa school. O kung mayroon man ay marahil hindi naman nila ito ginagamit dahil nabbuhay naman sila bilang mga normal na mag aaral. Kahit kailan ay wala ni isa man sa mga Puntavega akog nakita na ginamit ang kanilang yaman at impluwensya sa kahit anong bagay. 


They don't really have that special privileges except for Alexo's sake na talagang bawal lapitan. Noong una ay hindi ko din masyadong maintindihan kung bakit palaging ilag si Lexo sa mga babae dahil sa amin naman ay hindi siya umiiwas. But I heard there was a connection with Grey's condition. 


Halos malaglag ang aking panga ng dirediretso lamang siyang sumabay sa akin. E sabi niya pa nga nung una ay aakyatin niya ang bintana ko! Bakit ngayon ay pwede na lang siyang pumasok basta basta?!


Grabe na talaga si manang landlady e. Kapag iba ay okay lang pero ako ay daig pa ang nanay na may bantay at mayroong curfew!

Muntik na akong mapasigaw ng bahagya siyang tumagilid at sinilip ang aking mukha. ANg kanyang hininga ay tumama pa sa balat ko na talaga namang nakapagpatindig ng aking balahibo. 

He was biting his lower lip, a lopsided grin showing on his face. 

Putangina, pati kilikili ko yata ay pinagpapawisan na sa kanya!

"A-ano?! kunwari ay galit kong tanong pero gusto ko namang batukan ang aking sarili dahil nautal pa talaga ako sa isang salita lamang na iyon. Nakagat ko ang aking labi at pilit na iniwasan ang kanyang tingin. 


His eyes, everyday they seemed so different. Para bang inaakit ako ng mga itong titigan siya maya't maya. 

"You're blushing Barbara. Maganda yan, ako lang dapat ang nakakapagpapula ng pisngi mo," halos maubo ako sa sobrag kaba at sa mga salitang binitawan niya. Paano ba anamn ay may pabulong bulong pa siya! Tsaka hindi naman ako nagbablush ah? 

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon