Kimchi and panda...
"Andrea, kadiri!!!" tili ko sa telepono habang kausap ko si Andeng. After the wedding and reception ay agad na tumulak ang mag asawa sa Italy para sa kanilang honeymoon.
"What? Totoo naman e, hindi ko alam nakailan kami," may pagbungisngis nitong turan. Nag init bigla ang aking tengga sa nadinig. Napakawalwal talaga ng bunganga ni Andrea. Dati naman ay hindi siya ganito.
Gumulong ako ng bahagya sa kama at sinipa ang kumot doon.
"Ayaw na kitang kausap Andrea. Dyan ka na sa asawa mo at umisa ka pang round. Bye!" natatawa kong sagot bago pinatay ang tawag. Dapat lamang na mag enjoy siya kasama si Chase. The two of them, ang dami ng pag aadjust na ginawa nilang dalawa para sa amin. They deserve this.
Napailing na lamang ako tsaka bumangon sa kama. Kagigising ko lamang at wala na sa kama si Ulap. It's Sunday, wala siyang pasok. Siguro ay nasa labas at binibisita na naman ang kanyang garden.
I fixed our bed with a huge smile on my face.
Teesha slept in Gold's haven at the rooftop kasama ang tito Gold niya at si Taias. Gusto niya daw sulitin hanggang hindi pa umaalis ang kuya niya.
Iniipit ko ang aking buhok at dumiretso na sa banyo. Napailing na lamang ako ng makita ang marka sa itaas ng aking dibdib.
"God, Ulap," hindi ko na napigilang maibulong. Napakabwisit din talaga nitong si Ulap minsan. It satisfy him whenever he leaves a mark.
It's been a week at ang alam ko ay isang buong buwang mawawala sila Andrea. Alam ko iyon dahil nakita ko noong namimili pa sila Keso at Ulap ng mga lugar na pupuntahan. Ginawang parang dart ng dalawa ang mapa ng mundo at doon na namili kung saan ang punta.
The wedding was so beautiful. It was magical at sobra akong naiyak lalo magsimula ng umiyak si Andeng. Even Chase got teary-eyed nang magsimulang maglakad si Andeng palapit sa kanya.
Para kaming mga sirang plakang mga babaeng nag iyakan sa isang kumpol at napapatingin pa sa amin ang ilang guest. At some point ay nag cheer pa ng malakas si Ahyessa.
In short, gumawa kami ng eksena but who cares? We're just too happy for them.
The wedding took place in the garden. Sa sobrang laki ng mansyon ay naging sapat na ito para sa pagdiriwang. Besides, only the closest to the family were invited, ilang mga malalapit sa kanilang angkan at maging ang mga empleyado sa kumpanya.
Dito mo talaga mapapatunayan kung gaano sila kailag sa mga tao. Ngayon ko lang nakitang halos maging triple ang mga gwardya sa labas ng mansyon para masigurong walang media na makakapasok.
Of course the news about Chase's wedding still came out. He's still a Puntavega and they own a fucking Conglomerate abroad. Isa pa ay hindi na din lihim ang pagiging Martinez ni Andrea at dahil kilala din ang pamilya ng kanyang ama ay mas lalong naging maugong ang balita tungkol sa kanilang kasal.
Andrea was so beautiful. Sobrang naggoglow ang kanyang mukha at alam mong sobrang saya. Halos mag iyakan na nga kaming mga babae bago pa magsimula ang kasal. Si Ara kase, napakadaling umiyak.
It was a happy gathering. Umuwi ang lahat maging ang mga magulang nila Chase at Gold. I got to see their lola at sobrang naging higpit ng kapit ko kay Ulap because she's really so intimidating! Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Ulap at Lexo na umarteng parang bata sa lola nila.
Ang mommy naman ni Ulap ay sobrang sweet talaga. Gusto nga nilang isama si Mateesha abroad pero hindi pumayag si Ulap. Balak niya daw kaseng ienroll na si Mateesha ngayong pasukan at baka kapag sumama ito sa mga lola nito ay mas lalong hindi na matutong magtagalog ang bata. Isa pa ay gusto ni Ulap na sulitin ang pagiging bata ni Mateesha. Naisip niya din siguro na baka masyadong malibang ang parents niya at hindi agad iuwi ang apo. Cloud promised to let Mateesha visit though every vacation.
![](https://img.wattpad.com/cover/191879055-288-k590515.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...