34

2.5K 120 42
                                    

Progress...


"Namumula ang pisngi, check!"


"Maga ang labi, check!"


What is she talking about? Hindi naman namamaga ang labi ko!


Bahagya pang dumukwang palapit si Andrea sa akin at inamoy amoy ako. Sa hindi malamang dahilan ay parang nananayo ang mga balahibo ko sa ikinikilos nang dalawa. 


"Amoy bagong harot, check!"


Pinaningkitan niya ako ng mga mata na parang nawawala na din katulad nang sa kanyang nobyo, "Umamin ka, may ginawa na kayo agad kagabi no? Nag make up sex na kayo?" bulong sa akin ni Andrea na ikinasamid ko ng paulit ulit. 


Inabot ko naman agad ang baso na may lamang tubig sa aking harapan at nahimas ang dibdib. Pansin na pansin ko pa ang itsura ni Ulap na nakakunot ang noo habang sumusulyap sa direksyon namin.


He was standing a few meters away from us. Nanunuod sila nila Teesha sa sala kasama si Taias. Ilang araw na kami dito ngunit bukas pa daw nila pupuntahan si Kuya Yelo dahil hindi daw nila sure kung nasa bahay na ito. 

He was apparently spending his days on one of their vacation houses. Hindi ko alam kung saan dahil hindi pa naman ako nakakapunta sa mga vacation house nila na napakarami pala. Iba pa ang personal na pag-aari ng bawat pamilya ngunit kung tutuusin ay para sa lahat naman.


Kung sa luho lamang naman ay hindi naman nagkulang ang aking mga anak. Not that I spoil them but Erish does especially if it's for Taias. Hindi halata dahil tahimik lamang si Taias habang si Teesha ang mas madalas magpakita ng pagiging clingy niya, but I know Erish loves Taias so much. Kapag nakita siguro ni Alexo ang collection ni Taias ng mga laruan ay baka doon na ito tumira sa kanyang kwarto. Too bad Taias doesn't seem to care that much on them but Erish buys him anyways. 

Sa aking tabi ay ang malakas na tawa ni Andrea. Napapahampas pa siya sa hita niya habang si Ahyessa ay panay lamang ang pag iling.

"Gaga ka! Naging walanghiya ka lalo nung nawala ko!" sita ko sa kanya na ikinangiti lamang niya. Xantha is at work kaya kami lamang ang nagkukwentuhan. 

"Sorry pero sinubok na nang panahon tong bunganga ko. Dami nang lumabas pasok diyan," tumaas taas pa ang kanyang mga kilay na lalong nagpaubo sa akin habang napaungol naman si Ahyessa. 


It's funny how they started to be somewhat enemies and ended up being the one together with the longest. 

Punyeta ka, bastos!


"Alam mo, kadiri ka na!" natatawa kong turan. Itinulak ko pa nang aking kamay ang kanyang mukha na ikinatawa niya lamang. Parang pinagpapawisan yata ako. 


"Pero walang halong biro, namumula ka! May pagnanasa ka pa din no? Oh my God! Pengi po ng kilig!" 


Halos ipitin ko na ang mkha ni Andeng sa aking kilikili. Bakit ba napakaligalig niya yata? Nakakaloka. Nakakakunsumi pa din pala siya. 


Plus, ano bang sinasabi nila na namumula ako e feeling ko nga ay ang putla putla ko. Ilang gabi na yata akong hindi nakatulog nang maayos! 


CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon