24

2.1K 119 15
                                    

Okay...

"Cloud, hindi pwede yang ganyan ka palagi. Umidlip ka muna kahit sandali lang," nanghihina kong turan. Kasama ko siya sa loob ng silid kung nasaan ang kuya niya at kapwa kami nakaupo sa sofa na pangtatluhan.

Nilingon niya lamang ako saglit bago hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa aking hita. Ramdam ko pa ang pagpiga niya doon na para bang he's telling me that he's alright. Lalo lamang akong nanlumo sa inaasal niya.

I know he's not fine. Walang okay sa amin. Walang masaya. Wala na yung dating kami.

His head was resting on his other hand. Sigurado akong sumasakit na naman ang ulo niya ngunit ayaw niya lamang magsalita.

Parang may kumurot sa aking dibdib sa bigat na aking nararamdaman. It's been almost two weeks since the accident happened. Napakarami nang nangyari at hindi ko alam kung paano pa namin nakukuhang bumangon sa araw araw kahit pa nga ang nagititirang lakas na nasa loob ko ay para nang nauupos sa tuwing nakikita kong isa isang nauubos ang mga taong malalapit sa aking puso.

This is something that neither of us are prepared. Kahit pa si Kuya Julio na akala mo laging emergency proofed ay walang nagawa.

Napasandal ako sa upuan at hindi sinasadyang naiigala ang aking paningin sa kabuuan ng silid na inookupa ni Kuya Milan.

Para kaming nasa isang drama at nasa loob ng isang VIP room. Bukod sa dati nang kumpleto sa gamit ang kwartong ito na parang bahay na nga yata sa laki, ay mas lalo pang dumami ang gamit sa loob dahil halos dito na silang lahat tumira. Ang daming drawers ng damit nila dito dahil madalas ay dito na sila naliligo.

Noong una ay nandirito din ang kama ni Grey ngunit nadischarge na din siya three days ago.

Lahat ng Puntavega ay na-excuse sa kanilang mga klase dahil sa nangyari. Kung tutuusin ay halos sa pamilya na nila ang paaralan kaya hindi naman na nakakapagtaka iyon. Kaya lang ay sobrang hirap pa rin.

Halos lahat kami ay apektado at kontrolado ang aming mga galaw. Pakiramdam ko ay nagkaroon kami lahat ng trauma at hindi ko ba alam kung makakamove on ba kami sa trahedyang bigla na lamang sumalpok sa aming lahat.

The guys had been very anxious. Sa tuwing umuuwi kami ay hatid sundo kaming lahat nila Kuya Aedree o nang kung sino sa kumpanya ng mga Puntavega o nang mga Martinez. Their family had given their full support lalo pa nga't pamilya na din nila si Chase.

Takot na takot silang may maaksidente na naman kung kaya't ganito na lamang sila kung mag alala.

Ang parents nila Milan ay sobrang stressed at alalang alala. Ang mama nila ay hinimatay ng makita ang itsura ng kanyang anak at parang punupunit ang aming puso sa lakas ng kanyang naging pagpalahaw.

Grey's mom isn't any different. Halos bumagsak siya nang una niyang nakita si Grey na walang malay. Ngayon ay naiuwi na siya ngunit hindi din ako sigurado kung okay ba talaga si Grey. They were all in shock. Their Dad didn't arrive. Hindi ko na tinanong kung ano ang meron pero parang napakakomplikado nang relasyon nila Aedree sa kanilang ama.

Si Alexo at Ulap ay hindi na din muna nagmamaneho. Hindi din naman ako papayag dahil halos wala pa din sa kanyang sarili si Ulap dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa din nagkakamalay ang kuya nila.

Palagi na lamang siyang tulala at nag iisip. Makakausap mo ngunit hindi na siya tulad ng dati. Nawala ang dati niyang sigla maging ang pagiging maloko niya.

I know everybody is trying to act like how they use to. Si Kuya Aedree panay pa din ang joke kapag magkakasama kami dito sa kwarto o kahit pag nandoon kami sa kwarto ni Mattee. But our eyes, it shows na may iniinda kaming sakit.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon