Atlas...
"Lumayo ka nga muna sakin Ulap. Sinasabi ko sayo baka makalmot talaga kita," inirapan ko siya at mabilis naman siyang nakalayo dahil hinatak siya ng kanyang kakambal. Inakbayan siya nito ay magkatabing umupo sa lamesa sa loob ng kanyang opisina.
Napabuga ako ng hangin at hinimas ang braso kong may mga kalmot pa. Pinahiran ito kanina ng nurse ng ointment. Hindi din naman grabe ang tinamo ko kumpara sa kanya na dumudugo ang nguso dahil sa nahing paghampas ko ng bag sa mukha niya. Isa pa ay nang dumating si Ulap ay naiharang na din niya ang kanyang katawan sa akin kaya hindi na din ako halos maabot ng kanyang mga kamay. Too bad though, hindi ko talaga binitawan ang buhok niya hanggang sa huli.
Goodluck sa poknat niya.
"Bobbie..." nadinig ko pa ang boses ni Andrea na para nang maiiyak. Niyakap niya ako mula sa aking tagiliran at pinigilan kong matawa. Parang siya ang naiiyak dahil sa mga kalmot ko. Kanina nang dunating siya ay kasama niya si Sylvia na nakuha pang mag thumbs up sa akin ng makita ako.
Kumalat na malamang sa buong opisina ang nangyari at ang mga loko, mukhang natuwa talaga. Ang laki yata talaga ng inis nila sa babaeng iyon dahil hinatid niya pa talaga si Andrea hanggang dito habang kinakausap ni Keso ang security ng building.
"Dapat ay pati iyong vase ay tinapon mo sa mukha niya! Nanggigigil ako talaga!"
Napanguso ako ng madinig ang paglilintanya ni Xantha. Galit na galit talaga siya at halos tumabi daw lahat ng masasalubong kanina. It kinda warms me dahil ramdam na ramdam ko ang concern nila sa akin. Si Ahyessa ay hindi nakasunod dahil kasama ito ni Teesha. Mabuti na lamang din at hindi nila isinama ang bata. Baka kung ano pa ang matutunan ng anak ko sa mga kalokohan namin.
"Ang mga ganoong klase ng babae ay hindi dapat hinahayaang gumagala ng buo ang mukha!"
"Xantha!" saway sa kanya ni Kuya Aedree. Lahat sila ay nasa opisina na ngayon ni Ulap at napatapon na sa labas ang walanghiyang babae na iyon. Maging si Andrea ay napasugod dito kasama si Chase.
It took a lot of guards to stop us. At kahit na nung nagsisisigaw siya at pinipilit kausapin si Ulap ay halos lundagin ko siya sa sobrang galit. How dare she even try talk to him!
Galit na galit ako at halos yakapin na ako ng buong buo ni Ulap para hindi ako makalapit sa kanya.
Sa sobrang galit ko ay pati si Ulap ay talagang napagbuntunan ko na.
"Bakit?" inis na baling ni Xantha kay Kuya Aedree. Naglalunch yata silang dalawa ng malaman ang nangyari at pareho pang nakapang opisina.
"Xantha parang okay lang kase nakita ko na iyon e. Feeling ko wala namang effect kahit hatawin mo ng vase yung face niya," inosenteng bulong ni Andrea. Napanganga ako at natawa naan si Chase. Si Andrea hindi mo din magets minsan. May mga pagkakataong ang bastos ng bibig pero minsan ay ang inosente ding mag isip. Weird. Hindi niya na lang talaga niya idiniretso.
"Kasalanan niyo talaga iyan! I told you guys I don't like her ever since. Tapos hinire niyo pang executive! It's so obvious na may gusto siya kay Ulap! Sesantihin mo iyon Simon kung hindi masasakal ko talaga siya kapag bumalik pa iyon dito!"
"Paano iyon babalik e tinakot mo na lahat ng gwardiya kanina sa baba na sesesantihin mo sila kapag nakapasok pa yun dito. Hindi ko na din talaga alam kung sa amin pa ba tong kumpanya o ikaw na ang may ari e. Hindi ka naman din dito nagtatrabaho pero mas sinusunod ka pa nila," naiiling na turan ni Kuya Ae bago hinila si Xantha paupo at inakbayan ito upang mapakalma.
"Tsaka si Julio kaya nag interview doon," dagdag ni Kuya Ae. Napalingon ako agad kay Kuya Julio na kausap na si Ulap at Keso.
Agad naman itong nagtaas ng mga kamay na para bang sumusuko. "Oh wag ako, si Chase ang nagfinal interview doon. Wala akong kasalanan,"
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...