Pangit...
"Hindi na ako iinom ulit, punyeta," bulong ko. Napaungol ako nang makaramdam ng kaunting kirot sa aking sentido. Iniyukyok ko ang aking ulo sa lamesa. Mabuti na lamang at hindi pa dumarating ang inorder namin.
Hapon na at nandito kami ngayon sa cafe nila Andrea. Madaling araw na kami natapos uminom at doon na din nakatulog. Bandang alas dos ay hinatid ako ni Ulap pabalik sa dorm gamit ang kotse ni Kuya Milan pero hindi pa man nakakalapat ng kahit isang oras ang likod ko sa kama ay dumating naman si Mattee at sinundo ako. Magkakape daw kami.
Putangina talaga. Parang ayoko ng magkaroon ng mga kaibigan. Pakiramdam ko may klase akong maibabagsak dahil baka hindi ko na pasukan makatulog lang ako ng mahaba.
Sino nga ba ang walanghiyang nagpauso na uminom kami kagabi?
Itong mga babae, bigla na lamang nagyaya na pumunta kila Ulap. Manggugulo daw sila doon. Nananahimik ako sa dorm at itong si Andrea na wala ng ginawa kung hindi guluhin ang buhay ko, ay inakyat ako sa kwarto. Naglulundag siya sa kama ko at tinakot akong hindi aalis kung hindi ako sasama.
Isa pa ay halos pasabugin ni Mattee ang telepono ko sa kanyang panay na pagtawag. Akala yata nila ay katulad nila akong maraming oras para magliwaliw.
Wala din nan akong nagawa dahil sumulpot na din si Xantha at Dee sa kwarto ko. Mga walangya talaga.
Nang makarating kami kila Ulap ay yung kusina agad ang pinuntahan nila. Pagkasilip nila sa ref at hindi nakuntento sa laman ay nagyaya naman silang mamili. Nagpaiwan na lamang ako sa pagasam na baka makakuha pa ako ng kaunting tulog.
But I was wrong. Sa sala tumambay si Lexo at Grey. Nagsasayaw sila sa gitna, naka XBox. Wala naman sanang problema yung kaunting ingay pero si Lexo, ang sarap talagang tirisin. Kapag nananalo kay Grey sumisigaw ng POWER ang putangina.
Dumagdag pa si Kuya Milan na nakisali. Muntik na talaga akong mapamura nung gumiling giling siya e wala naang ganoon step sa ginagawa nila.
Basta ang gulo. Si Xantha at Kuya Ae nag aaway ulit. Ang nakakagulat ay dumating si Cinco kasama yung isang kaklase ni Andrea na parang rainbow dahil iba iba ang kulay ng suot na damit. Ayhessa Cyrene daw ang pangalan pero si Andrea ay Jessa lang ang tawag. Mas gusto ko siyang tawaging Cy. Okay lang naman daw sa kanya. Nakakatawa nga kase palagi niyang sinusungitan si Andrea pero halata namang close sila.
Hindi nagtagal ay nakumpleto din kami. Ang dami nilang niluto at halos magkagulo kami.
Ang masasabi ko lang, kung sinuman ang lusaw ang utak na bumili ng Bacardi mabaog sana.
Halos magsuka ako sa sobrang tapang. Hindi ko na nga maalala yung ibang nangyari. Basta pag gising ko nasa kwarto ako ni Ulap at tulog sa kama niya. Sa aking tabi ay mahimbing ding natutulog si Ayhessa na buti na lang ay hindi na suot ang makulay niyang mga damit. She was wearing a pair of blue sweatpants na kalaunan ay nalaman kong kay Grey pala.
Tulala yata kaming lahat sa sala bago kami nagdesisyong magsiuwi. Si Ulap hindi ako pinapansin buong byahe. Last na inom ko na daw yoon. Nalaman kong nasukahan ko pala yung paborito niyang sapatos kaya mainit ang dugo sakin.
Ibitin ko to e.
Napapikit ako ng inilapag ni Lexo ang order naming mga kape. Mabuti na lang at ang sarap sa ilong ng amoy ng kape kung hindi baka nagwala na ko sa stress.
Naigala ko ang aking tingin sa mga kasama ko sa lamesa. Halos kaming lahat maliban kay Kuya Ice, Julio, Chase at Andrea ay nandito. Si Cinco wala din, hinatid daw si Xantha sa kanila dahil dumating daw parents niya. Si Kuya Aedree naman ay may pasok, nakakaawa. Si Cy nandoon pa sa bahay nila Ulap, tulog pa din. Sisipain niya daw ang gigising sa kanya.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...