21

2.6K 153 39
                                    

With him...

Nag iwas ako ng tingin kay Mattee, at bahagya pang napalunok. Kanina pa siya napapatingin sa akin at talagang nakoconscious na ako.

"Para kang manyakis makatingin Matilda. Tigilan mo nga!" awat ko sa kanya.

Nandirito ako ngayon sa resto nila dahil maraming tao. May event kase at tinawag ako ni Mattee dahil nakukuliglig na daw ang utak niya sa sobrang pagpapanic ng mama niya e napakarami naman nilang tauhan kaya ang ending, nakatunganga lang kami ni Mattee dito malapit sa counter.

May mga taong pasulyap sulyap sa gawi namin. Paano ba namang hindi e si Mattee, pumuputok ang nguso sa pula ng lipstick at naka-tight fitting black jeans na pinartneran niya ng kulay abong crop top. Parang sinasadya niyang ibalandra sa lahat ang abs na mayroon siya. While me, I am wearing a boyfriend pants and a white crop top kaya nakikita din ang pusod ko.

Nang mapasulyap akong muli sa kanya ay bigla na lamang naningkit ang kanyang mga mata na tila ba nahuli ako sa isang krimen at wala akong kaide-ideya kung ano. Basta pakiramdam ko talaga ay nagawa akong kasalanan sa kanya at nagiguilty ako.

"Umamin ka sakin na babae ka, nagsex na kayo no?!" bigla niyang tanong na ikinalaki ng aking mga mata. Sa lakas ng boses niya ay napalingon pa ang ilang mga matatanda sa amin.

Ay punyeta! Mahadera ka talaga Mattee!

Napalundag ako at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang aking kamay, ang kanyang mga mata ay nanlalaki pa rin at halos hatakin ko na siya palabas ng mapansin ang mga mapanuring mga mata na nakasulyap sa amin. Hindi ko na inalintana ang maya't maya niyang paghampas sa kamay ko. Bahala siyang mamatay kung hindi siya makahinga.

Nang tuluyang makalabas ay malakas na nahawi niya ang aking kamay.

"Oh God baka dirty na yang kamay mo tapos itinakip mo sa bibig ko!" naniningkit ang kanyang mga mata na nagpanguso sa akin. Inayos ko pa ng bahagya ang nagulo kong bangs dahil sa kanya.

We're now outside the resto ngunit may iilan pa ding kabataan na nakatambay sa labas. Tapos na silang kumain at marahil ayaw makihalubilo sa kanilang mga magulang.

"Yang bunganga mo talaga. Ano bang pinagsasabi mo dyan?! Kapag narinig ka ni Tita itatapon talaga kita sa ilog!"

Nginisihan naman niya ako bago namaywang. "Hoy Barbara, tigilan mo ako sa galitgalitan effect mo dyan. Umamin ka sa akin! May nangyari na ba sa inyo?"

Namula ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Hayop na Matilda ito, kung ano ano ang pumapasok sa isipan.

"Wala no! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!" ganti kong tanong. Wholesome kami ni Ulap. Para tuloy ako biglang nanghina. Isipan pa lamang ang bagay na iyon ay kinakabahan na ako.

Ito talagang si Mattee ay kung ano ano na lamang ang naiisip. Kung dati ay binablackmail niya ako dahil kay Ulap, ngayon naman ay lahat na lamang ng maisipan niya ay ibinibintang sa akin. Nung dati kase ay hindi naman talaga pa ni Ulap, but now it's different. Isa pa ay inaway daw siya ni Ulap dahil sa pagrereto niya sa akin kay Erish.

"Eh ano yan? Yang nasa leeg mo? Kadiri ka nagpapalagay ka ng ganyan?"

Agad na umangat ang aking kamay at sinalat ang aking leeg.

Ha?

Humarap naman ako sa salamin ng resto at naaninag ang pulang marka sa aking leeg. Naningkit ang aking mata bago siya muling hinarapa. Walang pag aalinlangan ko siyang hinampas na ikinairit niya.

"Putragis ka! Kagat ng lamok yan e!"

Napangiwi naman siya at hinimas ang kanyang balikat na tinamaan ko kanina. Natawa naman siya ng kaunti

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon