Yelo...
"What?" I asked as I felt his eyes on me. I didn't bother looking at him straight in the eyes. Not that I don't want to but I can't. Not when his eyes looks exactly like his mom's.
Sinigurado ko munang nakakabit ng maayos ang seatbelt niya bago ko maayos na ihinilera ang mga gamit niya sa kabilang side ng sasakyan.
I made a mental note to make sure I get kuya's car on my way back. Hindi ko pwedeng iuwi pabalik ang kotse ko dahil hindi child friendly. Bakit ba ito ang dinala niya ng ihinatid niya ang batang to?
He really have to get me an expensive Range Rover just so I can bring Mataias around. Masyadong pansinin ang sasakyan at ayoko non.
Nang masigurong maayos na ang lahat ay umikot ako tsaka sumakay na sa sasakyan. Kitang kita ko pa sa salamin kung paanong bumagsak bagsak ang talukap ng kanyang nga mata tanda ng pagkaantok nito.
Hindi naman nakapagtataka. It's just two in the morning. Kailangan kong lumuwas pabalik ng mansyon dahil ikakasal ngayon si Keso.
As much as I like to have a peaceful life away from everyone, alam ko din na papatayin ako ni Dakota kapag hindi ako nagpakita sa kasal ng kapatid niya. At si Chase, I owe him half of Grey's life. Kung hindi dahil sa mga sakripisyo niya para sa kambal ay hindi ko alam kung ano na ba ang lagay ng lahat ngayon.
Kahit hindi pa sobrang ayos ng lahat, mas ipinagpapasalamat ko na nakakangiti pa ang halos lahat sa amin.
Pinigilan ko ang aking sariling matawa ng makita ko ang pagkagulat sa mukha ng aking anak ng biglang umandar ang sasakyan.
Anak...
Sa loob ng limang taon, ni hindi man lang pumasok sa isipan ko ang posibilidad na may anak kami ni Mattee.
Mattee loved me, as a friend, as someone who loves her since we were kids.
Alam kong kahit sandali ay pinilit niya rin akong mahalin. Pero baka ganoon talaga, minsan ay hindi mo pwedeng pilitin ang puso.
I know she tried. I know she gave it a chance. Alam kong hindi niya ginustong saktan ako.
And now she's gone. Parang may kumurot na muli sa aking puso. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko lulunurin ang sarili ko sa mga alaala niya.
Hindi naman ganoon kadali dahil hanggang ngayon ay ang nakangiti niyang mukha ang bumubuhay sa akin sa tuwing pumipikit ako. Everytime I try to do something, parang madidinig ko na lang ang kanyang boses at sasabihin sa akin na hindi dapat ganoon at iba na lamang ang gawin ko.
It's still fucking painful. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang bumalik sa dati.
Muli kong sinilip si Mataias.
Mahimbing na ang kanyang tulog at sa isang kamay ay hawak niya ang maliit na panda stuff toy na binili namin para sa pinsan niyang si Mateesha.
Sa ilang buwan na kasama ko siya ay gusto kong sapakin ang sarili ko.
Alam kong hirap na hirap na din ang bata. Nakilala niya ako at my worst. Sa mga unang linggo niya dito ay ni hindi ko siya kinakausap. At such a young age ay pinilit niyang maging matanda para mabuhay kahit pa nga kasama niya ako.
Minsan ay maaalala ko na lamang siya at iisipin kung nakakain na ba. Hindi kase ako madalas kumain at nawawala sa isipan kong nandito siya.
But the moment I check on him, makikita ko na lamang siyang kumakain ng cereals sa umaga.
Binilinan ko na lamang ang kasambahay na pumupunta dito araw araw upang maglinis at maglaba ng magluto ng pagkain araw araw.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...