Date...
"Ayoko na!" naiinis kong turan habang akma sanang tatayong muli mula sa aking pagkakaupo.
Nandirito kami ngayon sa cafe nila Andrea. Sa dinamirami ng lugar ay hindi ko mawari kung bakit dito naisipan ni Mattee na dalhin ako.
Ang ingay ingay niya at parang excited pa. Nacurious din tuloy ako bigla kung sino ba ang kaibigan niya kung kaya't atat na atat siyang matuloy ang lakad namin ngayon. Wala sa tipo ni Mattee ang manghahatak para gawing pain makuha niya lang gusto niya. What Mattee wants, she can easily gets. But seeing how she even resorted to blackmailing me, sobrang close talaga siguro sila nung babae.
"Tigilan mo ang kakahatak dyan sa palda mo. Okay naman e, ang cute kaya!" napapapalakpak pang turan ni Mattee. Agad na nagsalubong ang aking kilay na kulang na lamang ay maibuhol ko na ito sa sobrang pagkakakunot ng aking noo.
Kung hindi ba naman dakilang pakialamera itong si Mattee. Siya na nga ang humingi ng pabor ay napakademanding pa.
Palabas na sana ako kanina ng kwarto pero pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay siya na agad ang bumungad sa akin. Magrereklamo na talaga ako kay ate guard. Ang unfair lang ha. Binili na ba niya tong dorm at labas masok siya?
"Ang baduy mo na Bobs," panlalait niya pagkakita niya pa lamang sa suot ko. Hindi na siya tumigil sa pagbubunganga. I was wearing a simple tee and a tight fitted jeans. Itinuck in ko pa ang aking damit at pinartneran ito ng heels. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang aking buhok at ang aking mukha ay nilagyan ko lamang ng light na make up. Hindi ko naman kailangang magpa impress dahil one-time lang naman ito. Si Mattee lang naman ang parang binibig deal ang lahat.
Dahil sa naisip ay parang isang bumbilyang biglang nagliwanag sa aking isipan ang imahe ni Ulap.
Pahamak talaga sa buhay ko ang palakang iyon! Kung hindi sana siya nagmessage at tinawag ako bilang nobya niya ay hindi ako mapapasubo ngayon kay Mattee!
Ayun nga. Hindi ako nanalo sa bangayan naming magpinsan. Ang ending, napagsuot niya din ako ng white dress na may lace sa laylayan. Sleeveless iyon at medyo hapit sa bandang itaas na parte nang aking katawan. Hindi na niya pinapalitan ang heels na aking suot ngunit hindi naman siya pumayag na magsuot ako ng kahit cardigan man lang.
Sanay naman akong nagsusuot ng mga ganitong damit ngunit nitong mga nakaraan ay nawiwili ako sa pagsusuot ng malalaking t-shirt na pinaparesan ko ng maiiksing shorts o kaya naman ay pantalon. Palagi ko din kaseng nakakasama si Andrea. Ang babaeng iyon, palagi akong hinahatak sa mga orphanage nitong mga nakaraan. Masyado na siyang nawiwili sa bata e hindi naman buntis.
Bahala siya kapag bigla siyang nabuntis ni Chase ng maaga. Hindi na sila naghiwalay at daig pa ang mag asawa. Si Dakota ay panay na ang reklamo kay Kuya Milan.
Napalingon ako sa paligid ng cafe. Napansin ko na napapatingin sa amin ang ilang mga estudyante lalo na kay Mattee. Malapit lang kase dito ang eskuwelahan niya at hindi naman na lingid sa akin na napakarami niyang tagahanga. Hindi ko nga din alam dito kung bakit hindi nagkakanobyo samantalang napakarami namang gwapong lalaki na naghahabol sa kanya. Imposible naman na wala man lang kahit isang matino sa mga iyon!
Maging ang mga crew sa cafe ay sinisilip kami. Dahil hindi naman namin kasama sila Andrea ay sa ibang lamesa kami nakapwesto at hindi sa dulo kung saan kami palaging nakatambay.
Agad na humaba ang aking nguso. It's been ten minutes at wala pa din ang hinihintay namin. Itong si Mattee ay excited pa!
"Ten minutes na Mattee, sigurado ka bang sisiputin pa tayo ng kaibigan mo? Nangangati na ang lalamunan ko na magkape!" naiinis kong turan. Ako ang babae pero ako pa ang naghihintay. E si Ulap nga palagi kong pinaghihintay sa ibaba sa tuwing bigla kaming lalabas!
![](https://img.wattpad.com/cover/191879055-288-k590515.jpg)
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...