Wala dito si Ulap. Haha wala lang. Ewan bat naging ganito hahaha
------
Kalmot...
My body was sprawled on my bed. It's Sunday pero lantang gulay ako dito sa kama.
Dalawang linggo na ang lumipas pero sabi ng utak ko ay hindi pa din ako magaling, nagpapabebe. Pagkatapos gumawa ng eksena ni Ulap sa room ng sunduin niya ako ay dumiretso kami sa Rkive. Yun pala yung sinasabi ng mga estudyante na tambayan din ng mga Puntavega. Sa ibaba noon ay archade shop.
It was quite fascinating. I'm not into games pero nakakaaliw din tumambay doon. Mayroon ding cafeteria so wala ka na talagang kailangan pa. Iyon nga lamang ay napakadaming babae. Pero sa taas naman kami nakatambay dahil personal space nila iyon.
Isang bagay lang talaga ang napansin ko sa pamilya nila, they value their space and privacy so much. They try to live as quietly as possible kaya siguro iilan lang din ang malapit sa kanila. Parang napakadami nilang lihim at mailap sa mga tao. Mailap in a sense na hindi sila pabida kahit pwede naman. As much as possible, ayaw nilang nakakakuha ng atensyon mula sa mga tao.
Ganoon ang mga Puntavega, mailap.
Alam kong mayaman sila pero kung umasta sila ay para silang mahihirap. Ang kita daw ng Rkive ay sa magpipinsan daw talaga napupunta dahil tinayo nila ito sa sarili nilang pera, pero si Kuya Julio ang nagmamanage.
Sabagay, puro laro lang naman kase ang inaatupag nila Ulap at Lexo. Si Kuya Milan parang alipin ni Dakota tapos si Kuya Ice nawawala na lang parang bula, malamang tulog. Si Keso nakakapit lang kay Andeng tapos si Kuya Aedree naman ay nabubuhay na lang yata sa pambubwisit kay Xantha at pagiging Mr. Friendly.
All in all, they are all so weird. Ayun pa pala, may kaibigan pa sila, yung si Cinco na pinsan ni Xantha pero parang pinaglihi sa sama ng loob. Napakataray at palagi nakasimangot. Pero pansin ko na close si Andeng sa kanya kahit palagi niyang pinapalayas kapag kumakapit sa kanya. And Chase, kahit mukhang nagseselos, I can feel that he trust the man enough to let Andrea stay with him kapag wala siya.
In short, I met a lot of weird people. Ang dating tahimik kong college life ay medyo gumulo.
There were days when I don't see them and I continue my usual routine. Kapag kase ang mga babae ang kasama ko ay nauuwi sa shopping lalo na kapag kasama ang pinsan kong si Mattee. Napilitan na din akong dumalaw sa resto nila Mattee dahil nandun madalas sila tita.
Galit na galit nga kay Papa. Hindi na lang din ako kumibo dahil mas lalo ko lamang namimiss ang mga magulang ko. Sabi ni Tita ay pumunta ako sa resto kapag may kailangan ako. Si Mattee, hindi pumayag na hindi ako mabilhan ng bagong phone. Hindi niya din ako pinapagastos kapag bumibili kami ng mga damit.
She's spoiling me pero hindi na ako nagreklamo. Gusto ko din naman e.
Napagulong ako sa kama at napaungol habang nag iinat ng aking katawan. Kung normal na araw to ay baka nakakadalawang tasa na ko ng kape.
I love the smell of coffee kaya madalas akong tumambay sa coffee shop malapit dito sa dorm. Doon ako minsan nag rereview ng notes o kaya naman ay nagsusulat ng mga articles ko. May coffee shop daw ang mama ni Chaese pero hindi pa ako nakasama doon.
Pero dahil nanlalata pa din ako ay wala akong ganang lumabas.
Narinig kong nag ring ang aking phone. Napakunot noo ako. Sunday ngayon, huwag mong sabihing may gala na naman ang mga babae?
Iniabot ko ang aking telepono at napabuntong hininga ng makita kung sino ang tumatawag.
"Ano na naman Ulap? Hindi kita sasamahan kung anuman yang trip mo. Ano-"
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...