Gusto ko lang malaman niyo na napakahirap magtype habang nanunuod ng kdrama. Di ako makapagconcentrate. haha
--------
Holy...
"Oh, look Tito Daddy! Momma is doing it again!" Napalingon ako sa aking anak nang madinig ang malakas nitong boses. Sa tabi niya ay si Mataias na nakatingin lamang sa labas ng kotse.
Natawa naman si Erish sa inasal ng aking anak, kumakawag kawag pa ang mga paa nito na akala mo siya isda. Napanguso naman ako. Pinagkakaisahan nila akong mag tito.
Umiling na lamang si Erish at ibinaling ang tingin sa akin. He was leaning on the side door of the car while I nibble on my right index finger.
Kinakabahan na talaga ako!
"Pinagtatawan ka na ng babae mo dahil kanina mo pa kinakagat yang mga kuko mo. Ubusin mo na kaya," nang iinis niyang turan. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at nag aalalang tumingin sa mga guwardiya na kanina pa sumusulyap sa sasakyan namin.
Nilingon ko muli si Erish at umiling.
"I can't do this. My hands are slippery, my heart is beating too fast! I'm going to die, Erish!" pagmamakaawa ko sa kanya, ang aking kamay ay nakalahad na sa aking harapan pero umiling lamang siya habang nakatingin sa akin.
Yeah, I'm going to die!
"Nope," umiling siya. "We've traveled for almost seven thousand miles and took a very long flight. I haven't even slept for more than ten hours and your lazy ass woke me so I can drive you here. Kaya mo yan Bobbie. Tsaka ano bang inaarte mo dyan e para sa mga bata naman kaya tayo nandirito. Ano, haharot ka no?" pagtataray niya sa akin at agad naman akong napasimangot. Napakasama ng lalaking 'to! Hindi niya ba alam na para na akong hihimatayin sa sobrang kaba?
Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata, "Apektado ka pa rin ba sa Puntavega na 'yon?"
Binasa ko ang aking labi at nilingon siya, laro laro na ang aking mga daliri.
"That's not likely to happen," Nakalimutan na ba niya? Cloud ruined me. Why would I be affected by him? He broke me. For years, I've lived with fear, hatred, and pain in my heart.
Hindi ganoon kadaling kalimutan ang sakit na naramdaman ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nahihilihom ng panahon ang sugat sa ating puso. There are other pains that are too deep, even the hope that someday it will heal is a shoot for the moon.
Isa pa ay paano kung wala naman sila sa loob? It's been five years!
HInawakan naman ni Erish ang aking mga kamay, " Bobbie, this is a decision you have to make. Hindi ka pwedeng kumapit sa nakaraan habangbuhay. Whether the past had broken you, the present is what's important. Kung paano mo bubuuin ang sarili mo ngayon para sa mas maayos na hinaharap. Focus on the things that you can control, bobs. At ito yon. Just do this for the kids," Aniya. Napahinga ako ng malalim. Minsan lamang maglintanya itong si Erish pero may punto naman. Lalo tuloy akong nakonsensya.
"Paano kung itaboy tayo? Erish ang bilis bilis ng tibok ng puso ko! Jusko tignan mo, pakinggan mo!" Inilapit ko pa sa kanya ang aking sarili sa sobrang kaba pero ang walangya, bubuksan na yata ang pintuan.
"Kadiri ka papahawak mo sakin dibdib mo? Ang liit naman niyan!"
"Hoy!!!!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Though my kids are still young, nakakaintindi sila ng Tagalog dahil nag uusap naman kami sa bahay. Minsan lamang ay nahihirapan sila kapag sobrang bilis.
"Momma, aren't we going? I need to poo!" I heard Teesha complaining. Nanlumo naman ako sa narinig.
Hindi pa talaga ako ready. Napasandal ako sa upuan at kinagat ang pang ibaba kong labi. Hangga't kaya kong patagalin ang confrontation namin ng mga Puntavega ay gagawin ko. Pero nagegets ko naman kase si Erish. I also feel bad for dragginig him. Kakauwi lang namin kahapon dito at halos wala pa siyang pahinga.
BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romantik"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...