7

2.8K 153 41
                                    

Closer...

"Ang pabaya mo kase. Paanong nadampot ni Lantis yang cellphone mo? Ano na namang ginagawa niyo ni Lexo?" nadinig kong sermon ni Kuya Aedree kay Ulap.

Si Ulap hindi naman siya pinapansin at nakatitig lang sa mga braso ko na kanina pa ginagamot ni Andrea. Inabutan namin siya dito sa bahay nila Chase. Sakto palang nandito sila ni Keso nung natanggap niya yung tawag mula sa cafe.

Si Kuya Aedree ay kadarating lang at kanina pa nagsesermon sa sala. Pati si Lexo karamay sa sermon dahil nakalimutan daw maghugas ng plato. Ang cutie niya nga magpout.

Bilib din ako sa pamilyang to e. Halatang halata sa bahay nila kung gaano sila kayaman pero sa halos isang oras ko nang pamamalagi rito ay dalawang kawaksi pa lamang ang nakita ko.

Their house was so big. Doble yata ng bahay namin sa probinsya. Mansyon na to at kung paglilinisin ako dito, baka sunugin ko na lang.

Ang marami sila ay mga guards sa na bantay sa bahay.

Sa malawak nilang bakuran ay nakaparada ang limang kotse. Wala kase si Kuya Julio, nasa Rkive. Doon na nga daw halos tumira yon.

"Naghugas nga ako ng plato kuya. Kumain ulit si Kuya Ice pagkagising niya kaya may bagong pinggan doon," bulong ni Lexo na ikinangiti ko. Nalaman kong may toka toka pala silang gawain sa bahay. Minsan kapag trip nila, sila din naglalaba ng mga damit dahil ito daw si Lexo medyo sensitive sa amoy ng damit niya. Pero ang paglilinis ng kabuuan ng bahay ay gawain ng mga kasambahay.

Sabi ni Andrea kanina ay hindi naman sila pinipilit ng mga magulang nila sa ganito pero ang mga lalaki mismo ang nagdesisyon. Nasanay daw sila nung mga bata na nakadepende sa mga sarili nila which I admire. Medyo nahiya nga ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang naranasang maghugas ng plato sa amin.

"Nakikinig ka ba Ulap o sayang lang laway ko dito?" naiinis na turan ni Kuya Aedree. Umuwi siya agad ng malaman ang nangyari pero aalis din dahil may klase ito tuwing Linggo.

"I was sleeping Kuya. Hindi ko naman nilalock ang pintuan at kahit kayo ay ganuon din. Sa susunod ay iiipit ko na sa tiyan ko tong phone para hindi niya makuha," nakasimangot na turan ng huli.

Tsk. Pilosopo talaga.

"Hayaan mo na kuya. Maganda nga ang nangyari dahil natawagan pa ni Lantis si Bobbie," Si Chase na sinalo ang nakasimangot na na kakambal. Umupo pa ito sa tabi ni Ulap at tinapik ang likod.

"At sino bang mag aakala na magigising si Grey sa labas? Bihira namang mangyari yan pwera na lamang kung kasama tayo. Kadalasan ay baligtad ang nangyayari,"

Napalingon ako sa direksyon ni Kuya Milan. Isa pa yan sa ikinalilito ko. Napanganga ako ng idinetalye sa akin ni Andrea ang nangyari pati ni Chase. Hindi ko akalain na ganoon pala kakomplikado ang lahat.

So that's why she has that kind of aura. Sa eskuwelahan ay halos hindi mo siya maramdaman pero kanina, kahit na nung natutulog siya sa kandungan ng kuya niya ay parang may dala siyang kung ano na nakapagpapagaan ng aking pakiramdam.

Tulog si Grey sa taas. Plus, what happened earlier made me see Kuya Ice in a different light. He looked so soft and caring na parang pati ako ay nainggit bigla at gusto ng magkaroon ng kapatid. Halatang halata na mahal na mahal niya si Grey, lahat sila. Nang dumating kami ay si Lexo ang bunuhat sa kanyang kakambal. Napakamaalaga nila kay Grey. Ganoon din naman si Chase kay Ulap. Napapansin ko na palaging nakasunod ng tingin si Chase kapag busy si Ulap. Na para bang handa siyang tumalon sa kakambal kung sakaling nasa panganib ito at wala itong alam.

Nakakaingit ang klase ng pamilya na mayroon sila. Hindi ko pa nakikita ni isa sa mga magulang nila pero sa samahang nakikita ko, iniisip ko kung gaano ba sila katatag

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon