17

2.7K 158 81
                                    

Beautiful...

"Anong ginagawa mo?"

"Ay butiki!" halos mapalundag ako at nasapo ang aking dibdib sa sobrang gulat ngunit sa isang iglap ay napatuwid din naman ako ng tayo mula sa aking pagkakakubli mula sa mga shelves dito sa loob ng Guild.

Punyeta kase si Lantis e. Kung hindi niya ako tinulak ay hindi ko sana mahahalikan sa labi Ulap. Ano na lang ang iisipin ng palakang iyon? Baka isipin niya ay hustong gusto ko nga ang nangyari. Hindi naman kaya!

Napahawak ako bigla sa aking labi. My eyes darted on my side and saw the weird look she was giving me. Umayos ako agad ng tayo at binitawan ang aking labi.

I watch as my co-guild member fixes her glasses. May hawak siyang libro at tulad ng dati ay panay lang ang sulyap sa akin habang naglalakad siya paikot sa isang lamesa doon.

Inayos ko ang aking damit bago siya nilingon.

"May hinahanap lang ako," agad kong dinampot ang unang libro nahagip ng aking kamay at nanalangin na sana ay huwag na lamang siyang magtanong. Pero siyempre, kailan ba umayon sa mga gusto ko ang lahat ng bagay?

The sound of her soft giggles made me turn my attention to her. Pinagtaasan ko siya ng kilay habang siya naman ay biglang tinuro ang librong aking hawak.

"How to Seduce a Man, really Bobbie?" nakakaloko niyang tanong. "Planning to seduce someone? Masyado bang mailap?" tanong niya na may pag ngisi pa.

Gusto kong mapamura sa aking isipan. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Ang mga Puntavega lang naman ang kilalang mailap sa paaralang ito. Pero hindi naman mailap si Ulap! Nakikipagdate pa nga siya, malandi!

Pinanatili kong seryoso ang aking mukha kahit pa nga nagngingitnit na ako sa mga niisip ko. I'm Bobbie Madrigal, I don't let people get me off-guard. I have pride at ayaw kong isipin ng mga tao na basta basta lang ako.

Lately ay nagiging weird na din ako. Kakasama yata ito kila Ulap. Tapos si Andrea ang abnormal na din.

"Just curious," gusto ko sanang barahin at sabihing wala siyang pakialam ngunit nakonsensya din naman ako. Hindi ko alam pero palagi ko siyang nakakainitan ng dugo.

Nagmaangmaangan na lamang ako at nagkunwaring masungit tutal ay doon naman ako magaling.

Saglit akong pumwesto sa bakanteng upuan at at nagbasa. Isinentro ko ang aking tingin sa libro ngunit kahit anong gawin ko ay parang wala nang pumapasok sa utak ko. Sa halip ay ang nakakalokong ngisi ni Ulap ang bumulaga sa akin.

Ano ba yan Ulap? Alis ka sa isip ko, alis! Alis!

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Ano na ba ang nangyayari sa akin?  Naiistress ako. Kaunti na lamang ay masasabunutan ko na ang aking buhok.

Nakakaistress ka talagang palaka ka!

My hand reaches for my chest. Ang puso ko ay ang lakas pa din ng tibok. Napahinga ako ng malalim bago pinaypayan ang pisngi kong alam kong pulang pula na.

Hindi ko mawari kung dahil ba sa ginawa kong pagtakbo kanina o dahil sa ibang bagay. Pagkatapos kase kaming iwan ng lahat ay parnag nabaliw na ako. Tinulak ko na si Ulap tsaka ako nagtatakbo palayo.

Malinaw na malinaw pa sa isipan ko kung paano niya ako pinagtawanan ng nautal utal ako sa pagsasalita kanina. Nakakahiya! At nakuha niya pa talaga akong asarin.

"Paano ba yan? Hindi na birhen ang mga labi ko Barbara. Kailangan mo akong panagutan," pang aasar niya pa.

Humanda sakin ang batang maligno na iyon. Sigurado akong sinadya niya akong itulak kanina. Pinagkakaisahan nila akong lahat!

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon