Aapihin...
"Isa! Hahampasin talaga kita Cloud, sinasabi ko sayo!" nanggigigil kong turan. Ang aking kamay ay nakaamba na pahampas sa kanyang balikat. Ang walangya, binebelatan lang ako.
"Ayoko. Hindi pwede," iniikot niya pa ang kanyang mga mata. Bwisit na to.
"Tinatarayan mo ba ko?" ibinaba ko ang aking kamay. Hindi ko naman talaga siya hahampasin. Wala namang takot sakin tong lalaki na to.
"Hindi kita tinatarayan. Ikaw diyan ang nagiging mapanakit. Nakakatakot na kayong mga babae. Pati si Andeng parang bumibigat na din ang kamay,"
Iningusan ko siya. "Mga bwisit kase kayo. Palagi mo pang inaaway si Keso nung nakaraan kaya nagagalit sayo si Andeng e,"
"Niloloko ako ni kuya, hindi mo kase nadidinig. Puro ka 'si Kuya Julio' e hindi ka naman type noon. Ayaw noon sa matangkad. Paputol mo tuhod mo baka pansinin ka ng pinsan ko," inis niyang turan. Nakanguso pa siya at nakagat ko ang pang ibaba kong labi.
"Gusto mo ikaw putulan ko ng tuhod?!" naiinis kong turan. Nakakainis talaga ang lalaki na to. Simula ng malaman niya na may crush ako kay kuya Julio e napakabully na niya sakin. Palagi niya pa akong tinatarayan. Ayaw niya daw ako para sa pinsan niya. Akala niya naman gusto ko din siyang maging kamag anak kung sakali. Antipatiko na to.
Isa pa, ayaw niya akong pinapapunta sa kanila kaya palagi kaming nag aaral sa guild o kaya sa tambayan nila dito sa school na magpipinsan.
"E kung putulan ko kayong dalawa ng dila?" napalingon kami ni Ulap sa kabilang bahagi ng tambayan kung saan mayroon ding mahabang upuan.
Napalunok ako ng makita kong umupo si Kuya Ice. Nakalimutan namin na natutulog nga pala siya doon.
Magkasalubong ang kanyang kilay at masama ang tingin sa amin ni Ulap.
"Kuya Ice si Ulap naman nag umpisa. Puputulin niya daw tuhod ko!" sumbong ko agad. Ayaw kong mapagalitan nito ni Kuya Yelo. Kahit si Kuya Aedree pa ang pinakamatanda sa kanila, nakakatakot pa din tong si Kuya Ice. Bihira lang kase magsalita pero parang lahat ng sasabihin niya sayo ikasisira ng pagkatao mo. Sama sama pero kay Grey kung makababy e ang damulag naman noon.
"Anong ako e ikaw nga itong hahampasin ako dahil hindi ko binibigay number ni Kuya Julio. Pokpok yun tapos ikacrush mo!"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakakainis. Nakakahiya!
Napatingin tuloy ako kay Kuya Ice pero ang kumag, wala man lang reaksyon.
"Bigay mo sa kanya ng tumigil siya. Bahala siya kapag nabuntis siya noon," walang kalatoy latoy niyang turan bago muling humiga.
Nalaglag yata ang panga ko sa sahig dahil sa sinabi niya.
Kapag hinawakan mo siguro ang pinsgi ko mapapasigaw ka sobrang init.
Bakit buntis agad? Ganoon kapokpok si Kuya Julio?
Napatingin ako sa gawi ni Ulap ng madinig ko siyang umismid. Nakakrus ang kanyang mga kamay at masama ang tingin sakin.
"Pulang pula ang mukha mo mukha kang makopa - makopang may bangs, napakagaling,"
Nahampas ko siya agad sa braso na ikisigaw niya. Agad kong natakpan ang kanyang bibig ng madinig kong magbilang si Kuya Ice.
Iminuwestra ko na huwag siyang mag ingay.
"Ikaw kase e," bulong niya sakin.
"Ang rupok,"
Muntik pa akong napasigaw ng malakas kung hindi ko naitakip ang aking kamay sa aking labi. Si Ulap naitaas ang mga paa sa gulat. Parang tumayo lahat ng buhok ko sa batok. Nilingon ko ang salarin na walang kaemo emosyon na nakatayo sa likuran ko.

BINABASA MO ANG
CLOUD (P.S#2)
Romance"Napanaginipan kita Ulap, nakalbo ka daw. Naubos lahat buhok mo pati kilay," inosente kong turan at kitang kita ko ang kanyang mga matang biglang nanlaki at tila nakarinig bigla ng end of the world news. A smile emerged on my lips. "Bawiin mo yun...