30

2.3K 122 24
                                    

About time...

"I'm sorry Mom but, come again?" laglag ang panga ko sa sinabi ng aking ina.

"I said we're going home,"

Home? What does she mean home? Hindi ba namin bahay to? Binenta na ba to ni Dad?

Napalingon naman ako sa aking ama na tahimik lamang na nagbabasa ng dyaryo. Sa kanyang paanan ay si Teesha at Taias na kapwa naglalaro ng kanilang mga laruan. Those were toys given by Erish to them. He really likes to spoil my kids.

"Mom, what home are you talking about?" pilit kong binura ang pag aalinlangang biglang lumukob sa aking puso. Bakit bigla yata akong kinabahan?

"Back to our home, Barbara. Where we should have been since years ago," sagot niya bago ako tinalikuran at nagtungo na sa kusina. Magluluto na naman siguro. It's always dinner and I can't really cook that much. My Mom insusted that I learn how to cook but each time ay nasusunog ko lamang ang aking niluluto. Erish even told me straight in the face that if he ever marry me, he'd probably die of food poison.

The nerve. As if naman na pakakasalan ko siya! Three years ago, we came to realize na hanggang magkaibigan lamang ang tingin namin sa isa't isa. I mean, sinubukan namin nguniy minsan siguro ay hindi mo talaga kayang pilitin ang puso. Kahit anong dikta pa ang gawin mo ay hindi ito titibok nang naayon sa ayung kagustuhan. Katulad nang hindi ko pinlanong mahalin siya limang taon na ang nakalilipas.

Napahinga ako ng malalim. Nalilito pa din ako. Napakatagal na naming nakatira dito sa Canada. Nandoon pa din ang bahay namin sa probinsya pero sa loob ng limang taon ay hindi ko man lang sinubukang bumalik doon.

Ang mga magulang ni Mattee ay nagmigrate na din at lumipat na dito sa Canada. So I don't understand. Why do we have to go back? At bakit kasali kami ng nga bata?

"Dad?" hindi ko na napigilang itanong. Something weird is going on.

Agad namang ibinaba ng aking ama ang kanyang binabasa bago ako nilingon. Para bang inaasahan na niya iyon.

Naglakad na ako palapit sa kanyang direksyon. Kahit hindi ko gaanong kinakausap ang aking ama ay nakikinig pa din naman ako sa kanya. As much as I like to hate him, hindi ko pa din mababalewala ang katotohanang ama ko siya.

I love him. I always will.

"You heard your Mom, uuwi na tayo. Nagkakaproblema na ang mga lupain at hindi na kayang imanage ng iba mong mga pinsan. I have to go home,"

Napaawang ang aking labi. May kung ano na agad na rumaragasa sa loob ko and that scares me. Hindi alam ni Ulap kung anong nangyari sa akin nung umalis ako. And as much as I hate to admit it, I know I still should have told him. It's his right. Paano kung magalit ang pamilya niya?

Nag umpisa nang umahon ang kaba sa aking dibdib. Paano kung....

Hindi ko na halos maituloy ang nasa isipin. Muli akong humarap sa aking ama at di na alintana ang pagtataka sa mukha ng aking mga anak.

"Dad, bakit kailangang kasama na naman kami? Maayos na kami dito ng mga bata. Maiwan na lang kami dito, tutal ay nandirito naman si Erish," dahilan ko. Hindi sa gusto ko nang bumukod but I don't think I'm ready to go back. I don't even think I will be ready.

Tinignan ako saglit ng aking ama bago muling dinampot ang dyaryong kanina ay hawak niya.

"Uuwi din si Erish. Did you forgot that it's almost his sister's death anniversary soon?"

Agad akong nanlumo sa aking narinig. Oo nga pala. Ngayon ang ikalimang taon kung kailan binawi sa amin si Faye. Napag usapan na namin ito ni Erish, babalik siya after five years. It's a promise he made with his family. At ayaw kong ipagkait sa kanya ang bagay na iyon, may karapatan man ako o wala.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon