2

4K 173 72
                                    

First Name...

"Kailangan ko ba talaga tong sagutan?"

Sinalubong ko ang kanyang tingin. Ang aking mukha na kanina ay kalmado naman san ay para na yatang dinaanan ng limang pison sa sobrang pagpipigil ko sa lalaki na to.

My God Bobbie, calm down.

Nakangiwi pa siya habang nakatingin sakin na para bang siya pa ang nawweirduhan sa itsura ko.

Punyeta.

It wasn't even an hour pero nakalampas sampung beses na yata niyang natanong yun.

"Mr. Puntavega, a-"

"Cloud," agad niyang putol sa akin. Napaangat ako ng kilay.

Close ba kami?

"I don't think we're close enough to go on a first name basis," paglilinaw ko sa kanya pero tinaasan niya din ako ng kilay.


"Kaya nga Cloud kase hindi naman tayo close. Kung close tayo de sana sabi ko Ulap. Pareho? Pareho?" nakanguso niyang turan.

Parang nanggigil naman tuloy ako sa kanya. Bakit ang sungit niya?


Pinapasagutan ko lang naman sana sa kanya yung questionare para ma gauge ko kung saan na siya banda pero nakakaisang tanong pa lang siya simula kanina. Ganito din last year.

Hindi ko ba alam kung sinasadya niya o tinatamad lang siya. Imposible naman na hindi niya to alam e anong year na siya.


Kung tuturuan ko ang lalaking ito ng buong semester, baka siguro maaga akong bumagsak sa kunsomisyon.

Grabe, hindi ko nga alam kung oaano kami nakatagal magkasama ng halos isang oras e. Though wala namang point dahil number one talaga ang sinagutan niya na hindi ko pa napapansin kung tama ba o wala namang dulot sa papel niya.

Kung alam ko de sana nakipagpalit na lang ako ang tuturuan. Siguro naman maraming may gustong turuan siya d ba.

"For the nth time Cloud, yes. You need to answer them. Gawin mo na lang para matapos na at makausap mo na yung mga flowers," nanggigigil kong turan. Parang nagsisisi tuloy ako na pinuntahan siya sa garden kanina. Ang tahimik ko sanang hapon ay napuno ng konsumisyon at init ng ulo

Napailing ako ng maalala ang nadatnang eksena.

If this was a different scene, baka naenganyo pa akong panoorin siya.


He was crouched on the ground. Ang mukha niyang puno na kainosentehan ay manghang mangha habang tila kinakabisado ang bawat parte ng bulaklak sa kanyang harapan.

Kanina talaga ay parang ayaw ko siyang istorbohin. Somehow, parang mayroong bumubulong sa loob ko na layuan ko ang lalaking ito at huwag kong sirain ang inosente niyang karanasan.


Hindi ko ba alam kung dahil mukhang ang carefree masyado ng personality niya but I have never seen someone stare at something as if he has fallen in love with like he does earlier.


Masyadong expressive ang kanyang itsura at hindi nakakatulong na masyadong perpekto ang pagkakahubog ng bawat kanto ng kanyang mukha.


Masyadong unfair si God. Wala yatang hindi mapapalingon kapag dumaan siya.

Kanina, sa sobrang candid ng pagngiti niya, muntik na kong magdalawang isip na lumapit, kundi lang siya nag angata ng tingin at nakita ako.


CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon