29

2.2K 136 124
                                    

Tutal cute kayo, o sige eto update bago ako matulog. Haha tamad na tamad ako magbackread. Walang autocorrect patawad ahahaha

--------
I'm fine...

"Anak, heto, baka ito ay magustuhan mo..." nadinig kong turan ng aking ina. She was handing me a beautiful dress na sa tantya ko ay aabot lamang sa ilalim ng aking tuhod kapag sinuot ko. It was navy blue at may kaunting ruffles pa na disenyo. Sa kabilang kamay niya ay isa namang off-white na sleeveless shirt at kapansin pansin ang plunging neckline niyon Napaangat tuloy nang bahagya ang aking kilay. 

Alanganin namang napangiti ang aking ina at ipinilig ko na lamang ang akong ulo bago umiling. "Mom, I don't wear those kinds of clothes," tipid kong turan bago naglakad patungo sa ibang bahagi ng department store. 

My Mom was so adamant in going shopping with me when it's not like it's going to change anything. Plus, napakarami ko nang damit at halos hindi ko na din nasusuot ang iba. Saan ko ba susuotin e sa bahay lang naman ako naglalagi. 

I went to the opposite direction of where we were and grab the first shirt I can get. Loose shirt can never go wrong.

Pagkatapos kong dumampot ng kung ano anong sa tingin ko ay magagamit ko, dumiretso na kami sa counter para magbayad.

Like always, mabilis pa sa alas kwatro na nakarating si Erish sa amin at kinuha ang aming mga pinamili sa cart na kanina lamang ay tulak tulak ko. It was like a roytine at sanay na sanay na siya sa mga bagay na iyon.

"Be careful," bulong niya na iniharang pa sa aking ulo ang kanyang kamay upang makasiguradong hindi tatama ang aking ulo sa pintuan ng sasakyan. Nang makapasok ako ay kasunod naman niyang inalalayan ang aking ina.

Napailing na lamang ako.

Same old Erish. May mga bagay talaga sigurong hindi magbabago.

Sumakay na din naman siya sa loob ng sasakyan at hindi nagtagal ay nasa byahe na din kami pauwi.

"Erish, son, kailan ba dadalaw ang mga magulang mo dito? Aba'y halos limang na taon na din simula nang sumunod ka dito kay Bobbie ngunit hindi pa din kami nagkakausap ng parents mo," napaungol naman aki sa kanyang tinuran.

Not again.

"Ahm, medyo busy po sa business sila Mama at Papa. Doon na lang kase nila naibuhos ang kanilang atensyon mula nang umalis ako," sagot niya. And it's always the same answer. Hindi ko ba maintindihan ang aking ina kung bakit paulit ulit na tinatanong si Erish tungkol doon.

Nilingon ko ang aking ina sa likuran ng sasakyan.

"Mom, we've talked about this. Don't make me repeat myself," seryoso kong turan, ang aking mga mata ay diretso na ang pagkakatingin sa kanya. I saw my Mom flinched at my words.

Napahinga ako ng malalim bago muling ibinaling ang tingin sa harapan nang sasakyan. Ramdam ko pa ang pagsulyap sa akin ni Erish ngunit hindi na ako nagsalita.

I hate little talks. Ayoko ng maingay. Ayoko ng nagsasalita ako kung pwedeng hindi naman. At alam na iyon ni Erish. He shoukd know since he had been with me for the past five years.

Ibinaling ko ang tingin sa mga sasakyan na aming nakakasalubong.

Sobrang tagal na din. Sobrang tagal na din pala simula ng bumalik ako dito sa Canada.

Five years?

Well, withib those five years, marami nang nagbago. At marami ding hindi.

Ako pa rin si Bobbie na may halong sama ang ugali. Sinasabi ko pa din kung ano ang naiisip ko at wala na akong pakialam kung maka-offend ako ng tao.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon