20

2.9K 138 22
                                    

Paano...

Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi ng muling mabasa ang mensaheng nagmula kay Ulap. Para na nga yata akong tanga at paulit ulit na binabasa iyon. 

"7 PM sharp, you and me, my Ai  ♥ "

Nakagat ko ang aking labi. Bwisit talaga tong si Ulap. Buhat ng matutuhan niya ang Japanese term sa word na love ay iyon na ang itinatawag niya sa akin madalas. Ai daw e hindi naman kami parehong Japanese.  Ang dami din kase talaga niyang naiisip pero hindi ko na din naman mapigilan. Simpleng text niya lang na tulad nito ay halos iscreenshot ko na at panay ko ng balikan. 

"Buwisit ka Barbara. Kumalma ka lang please", sita ko sa sarili ko. 

Ilang linggo na ba simula nung sinamahan ako ni Ulap sa dorm ko at halos araw araw yata ay wala ng ginawa siyang kung hindi sumulpot kung nasaan ako. Feeling ko nga ay may tracker iyon na ikinabit sa aking katawan kaya napakadali niya akong nahahanap. 

Nung gabing iyon ay umuwi din siya sa kanila dahil hinahanap siya ni Kuya Aedree. Si Alexo daw kase ay nagtatantrums at ayaw bumaba sa bubong. Hindi ko din maintindihan ang batang iyon. Palaging mainit ang mata kay Xantha. Inaagaw daw ang atensyon ng kuya niya. Siguro ay dahil si Alexo ang pinakabunso sa kanila at maging si Grey ay iniispoil ito. At si Ulap, sa sobrang close nila ay madali niyang nakakausap si Alexo. Ayun, pag uwi niya daw niyaya  niyang magburger, bumaba agad sa bubong. 

I guess that's how Cloud is. It's like he's living with two different personalities. One moment he's childish especially if he's with his brothers and cousins, but when he's with me, feeling ko ay ibang tao siya. Hindi na siya si Ulap na makulit at isip bata. 

Marahil siguro lutang ako sa kakaisip kay Ulap ay halos matumba ako ng may bumanga sa aking balikat. Mabuti na lamang at mabilis kong naibalanse ang aking katawan at hindi ako natumba. Napahigpit din ang hawak ko sa aking telepono. 

Napakurap ako at sinalubong ng tingin ang babaeng nakatayo ngayon sa aking harapan. 

She was shorter than me. Her hair was tied in a messy bun and she was wearing a pair of glasses. She looked like a nerd sa ayos niya ngayon ngunit hindi naman maitago ng suot niyang salamin ang maamo niyang mukha, I wasn't sure I've seen her before though. 

Her eyes were piercing. Parang gusto niya akong lamunin ng buhay. Ang alab na nababanaag ko sa kanyang mga mata ay sukdulan upang mapaatras akong ilang hakbang. Parang gusto niya yata akong sakmalin. Kaya lamang ay mukha siyang cute na pusa sa paningin ko. 

She doesn't look like a bully yet I don't remembering having a feud with her. I don't even remember seeing her at all. O baka nakalimot lamang ako dahil nga wala ako sa hulog lately kakalandi sa akin ni Ulap. 

Magsasalita na sana ako ng may madinig akong pamilyar na boses at tinawag ang pangalan yata niya. 

"Toni!" 

Sabay kaming napalingon at nagtaka ako ng makita ko si Ahyessa na nakatayo sa malayo. Si Ayhessa iyon dahil siya lang naman ang may lakas ng loob magsuot ng neon green na top tsaka papartneran ng orange na skirt. Punyeta talaga. Minsan hindi ko na din maintindihan to e. Sa tabi niya ay nakatayo din si Xantha na katulad ni Ahyessa ay seryoso din ang mukha. Bagay silang magkasama sa totoo lang. 

"Ate..." 

Huh?

Napaangat ang aking kilay. Ate? Magkaano ano sila? Magpinsan? Magkapatid? Mukhang maging si Xantha ay nagulat sa narinig. SI Ahyessa kase ay hindi din naman nagkukwento sa amin. Kung magkakasama kami ay seryoso lamang siyang nakikinig at sumasagot kapag kinukulit na siya ni Andrea. 

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon