25

2.1K 118 18
                                    

Timeout...

"No, why should I even do that?" naiinis kong turan. Ang aking ama ay nakatanghod na sa aking harapan at hindi ko na din mapigilang mainis. Nag iinit na ang aking pisngi at nangangati ang aking kamay na manghampas ng kahit anong madadampot ko.

They flew here in Manila to assist Mattee's family. Masyado nang stress si tita and my Mom had to do something. And of course, that means me having to deal with my father, again.

"Hindi ako makikipaghiwalay kay Cloud. That's just so childish Dad. Nadidinig mo ba ang sarili mo?"

Nagmartsa ako papasok sa kwarto ni Mattee. I can't believe my Dad wants me to do this. At sa labas pa talaga niya ako kinausap? Paano kung may makarinig na iba at makarating sa pamilya nila Ulap? Nakakahiya kila Tita.

Ang sweet pa naman ng mommy nila Ulap. She's nothing but perfection at sobrang ganda pa niya. Kaya din pala ganoon si Ulap dahil hinahayaan siya ng mommy nila na maging baby kahit malaki na ito.

I heard them one time. She wants Ulap to sit beside her so she can hug him. Niyakap niya din ako ng sobrang higpit at humingi ng pasensya dahil hindi niya daw ako maentertain masyado and promised she will make up for it. Magsashopping daw kami kapag okay na si Kuya Milan. Too bad there were moments na sobrang lungkot ng mommy nila.

And now nag iinarte na naman ang tatay ko.

"I told you their family is bad news. Bakit ka ba nakikiassociate sa mga katulad nila?" pagalit niyang turan at hindi na nakapagpigil at sinundan pa ako.

"Dad please, ayaw kong mag away na naman tayo. I won't break up with Cloud and that's final. You can't simply force your decisions on me. Napapagod na akong layasan ka,"

My father looked taken a back for a moment. I knew he'd feel guilty. I faced him upfront.

Napapagod na akong takasan ang problema naming dalawa. Sobrang nakakapagod. Tatay ko siya, hindi dapat naghihirap ang kalooban ko dahil sa taong sobrang importante sa akin. Hindi dapat ganoon.

"Ang sabi ko lamang ay gusto na kitang makasal. Hindi ko naman sinabi na agad agad," bulong niya. Napaismid naman ako at gusto na siya agad sumbatan, ang bigat na dala dala ko sa aking puso ay lalo pa yatang nadagdagan.

I miss my father. Sobrang miss ko na siya ngunit kapag naaalala ko ang mga pinaggagagawa niya hanggang sa bago ako maglayas ay naninikip lamang ang aking dibdib.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip niya bigla na gusto na daw niya akong maikasal. Naghihirap na ba kami?

Ganoon naman kase iyon diba. Ipinapakasal ang anak para maisalba sa mga utang. Bigla na lamang kaseng may mga bumibisitang negosyante sa bahay kasama ang mga pangit nilang anak.

What does he wants me to do? Ang sumunod na lamang at magpakasal sa mga amoy putok na iyon?

"Dad, please?" nanlulumo kong turan. My eyes landed on my aunt and she understood.

"David, huwag mo nang guluhin ang anak mo. Cloud is a good kid. At kababata sila ni Matilda,"

Lumapit ako kay tita at hinalikan ito sa kanyang pisngi bago ako umupo sa bakanteng silya sa tapat ni Mattee. Hindi pa din siya nagigising.

"Fatima, that family is a mess. Nakita mo ba ang nangyari sa anak mo? Bukod sa comatose na ay ganyan pa ang kon-"

"Stop David!" awat sa kanya ni Tita bago tumingin sa aking direksyon na para bang may itinatago. Napakunot naman ang aking noo.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon