10

2.8K 142 47
                                    

Hurt...

"Ano na naman Ulap?" naiistress kong tanong ng mapansin kong tulala lang siya sa harapan ko.

Nandito kami ngayon sa bahay nila at nag aaral. May exam kase siya bukas sa tatlong major subjects niya pero itong si Ulap, palagi na lang nakanganga at may kung anong malalim na iniisip.

Halos dalawang buwan na din nang maging tutor niya ako pero halos twice a week lamang kami mag aral dahil kaya niya naman pala.

Cloud Puntavega, as much as I don't want to admit it, doesn't just have the looks. Kaya niya kung gusto niya. Parang hindi lang talaga siya interesado. Yun nga lang, masyado siyang honest. Nung sinabi niya sa akin dati na minsan niya na lang ako tatakasan, ginagawa niya nga.

Nung last week, nahuli ko siyang umaakyat sa gate ng bahay nila Mattee. Doon kase kami nag aral.

Napaka abnormal.

Nitong nakaraang mga linggo ay naging busy din ako dahil ang dami naming ginagawa sa guild kaya nagkakaroon ako ng dahilan para takasan ang nga babae.

Tamad na tamad kase akong gumala minsan. Yung dalawa puro shopping na lang ang gusto. Minsan nasa Rkive kami, sa kampo ni Kuya Julio pero pinapalayas kami.

Naiinis tuloy ako kase lalo akong inaasar ni Ulap. Alam niya kaseng crush ko si Kuya Julio.

As if naman na lalandiin ko talaga yun. I have a lot more important priorities now. Wala akong budget lumandi dahil nag aaral ako. At kapag itong si Ulap ay bumagsak, maiistress ako ng sobra dahil sa grades niya nakasalalay ang scholarship ko.

"Kapag ba naglagay ako ng dasal sa gitna ng essay tingin mo mapapansin ni ma'am? Ganoon kase si Kuya Milan minsan nung binabasa namin ni Lexo yung test paper niya. Ang galing perfect yung essay score. Siguro natuwa yung teacher niya dahil spiritual yung answer ni kuya,"

Napanganga ako. All this time yun lang yung nasa utak niya? Yung akala ko may iniisip siyang sobrang importante na ikadadali ng buhay naming pareho pero wala. Ito pala.

Walang kwenta.

"Kapag hindi ka nagreview ng maayos Ulap, sinisigurado ko sayo, magdadasal si Lexo para sa buhay mo dahil isasabit talaga kita sa tindahan kung nasaan yung baklang sipol ng sipol sayo dun malapit sa school," naiinis kong turan. Agad namang nanlaki ang mga mata niya, halatang biglang kinabahan.

Ano ka ngayon.

Minsan ay lumalabas kami sa school para pumunta sa Unicorn cafe na tinatambayan din nila minsan. Madami kaming nadadaanan na maliliit na tindahan meron doon na isnag bakla na laging sumisipol kapag nakikita si Ulap at Lexo. Nakakatawa nga kase halos tumakbo na yung dalawa sa takot. May pagkindat at labas dila pa kase yung beks. Mauutas talaga ako kakatawa.

Lalo akong natawa ng bigla na lang niyang itinapat sa mukha niya yung notes niya. Ano, review ka ngayon.

Napangiti na lamang ako.

"Dapat maipasa mo yan kung hindi ibibigay ko yung address nitong bahay niyo,"

Nag angat siya ng tingin at bigla akong inirapan.

"Marami kaming guards hindi siya makakapasok. Bully ka e hindi ka naman crush ng crush mo. Pangit!" binelatan niya pa ako at agad naningkit ang aking mga mata.

Bwisit na lalaki ito. Palagi na lang niyang ipinang iinis yung pagkakaroon ko ng crush sa pinsan niyang sobrang babaero pala. Pareho sila ni Kuya Milan na babaero. Akala ko nagsisinungaling si Lexo nung sinabi niya na ang papangit ng nga babae ni Kuya Milan pero nung makita ko siya minsan na may kadate, napatango na lang talaga ako. Hindi ko naman ugaling manlait ng itsura ng tao pero ang ang pangit talaga. Sobrang iksi pa ng palda, kaunti na lamang ay pwede ng gawing panyo ang suot.

Sa sobrang inis ay hinatak ko ang notebook na hawak niya at pinaghahampas iyon sa kanya.

"Ang bad bad mo Ulap!" gigil kong turan, hindi ko pa din siya tinitigilan. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.

"Aray ko! Aray! Barbara, masa-arayy!!!!"

Hinampas ko siya ng paulit ulit sa sobrang inis. Hindi naman kalakasan pero nagulat ako ng may umawat sa kamay ko kaya natigil ako sa paghampas sa kanya. Madiin iyon at may pwersa kaya napahinto ako agad

Agad akong napalingon at nanlaki ang mata ng makita si Grey. Nakasimangot ito at mukhang bagong gising. Magulo pa ang kanyang buhok ngunit kahit ganoon ay litaw na litaw pa din ang taglay na kagandahan.

"Grey?" alanganin kong tanong. Si Ulap nakaharang pa din ang kamay sa taas ng ulo, tila handa sakaling hampasin ko siya ulit.

Nag angat naman bigla ng kilay si Grey, o baka si Lantis, kaya napalunok ako bigla.

She was staring at me intently. Ang maganda niyang mga mata ay mayroon ng sinasabi. Na para bang, hindi ko iyon magugustuhan. Para ako ulit kinilabutan.

"Don't hurt any of them," seryoso niyang turan. Mahina lamang ang kanyang pagkakabigkas noon ngunit sapat na para mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso.

Sobrang intimidating niya. Bigla ko tuloy nabitawan yung notes ni Ulap at napalunok. Nahigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Lantis let her go," awat ni Ulap at pinigil kong mapangiwi dahil sa lalong paghigpit ng kamay ni Lantis sa kamay ko.

"Don't make me hurt you..." bulong niya na nakapagpanganga sa akin. Pati si Ulap ay biglang natahimik.

Binitawan niya ang aking kamay at natulala na lamang kami ng iwan kami ni Lantis at dumiretso na yata sa kusina.

Gagawin niya ba talaga iyon? Magagawa niya ba talaga akong saktan kapag sinaktan ko ang mga kuya niya?

Napalunok ako bago napatitig sa kamay kong bahagyang namumula.

Akala ko si Lantis ay persona ni Grey na walang pakiramdam, walang puso. Pero bakit sa nakikita ko ay mas may puso pa siya sa kanilang lahat? Pakiramdam ko ay punong puno ng pagmamahal ang kanyang puso ngunit naipapakita niya sa ibang paraan, sa paraang hindi gugustuhin ng karamihan.

Nang tuluyan siyang makaalis ay agad akong napabuga ng hangin. Hindi ko alam na pigil pigil ko na pala ang hininga ko.

"Barbara iwasan mo muna si Lantis. May topak pa yan kase hindi pa nakakaganti kay kuya Ae. Pagpasensyahan mo na lang," alanganing bulong ni Ulap. Kahit anong galit nili ni Lexo kay Lantis ay halatang nag iingat pa din sila dito.

"Alam ko na!" napapalakpak si Ulap at halata namang pilit pinapagaan ang tensyon namayani saming dalawa.

"Sorry," nakanguso kong turan. Hinampas hampas ko kase siya e alam ko namang mali din ako.

"Laro na lang tayo ng tagutaguan Bobbie. Kapag nahanap mo ko ipe-perfect ko yung exams ko!"

Hindi ko na nakuhang sumagot dahil bigla na lamang siyang tumayo at nagtatakbo.

"Barbara huwag lilingon! Kapag lumingon ka bahala ka, may gagawin ako, sige!" hiyaw niya na nakapagpatawa sakin ng mahina.

"Ano naman ang gagawin niya?" bulong ko at muntik na kong napatalon ng may biglang bumulong sakin.

"Kiss ka daw niya, lagot ka," kinilabutan ako nang magtama ang aming paningin ni Lantis. May hawak siyang pink na baso.

Kiss?

Napalunok ako. Uwi na kaya ako.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon