"Good morning class. Before I proceed to my lesson, I have a special annoucement to all of you." inayos muna ng prof namin ang gamit niya sa lamesa bago tumungin sa amin at ngumiti. "Next week, we're going to celebrate our intramurals so guys be ready. Hangga't maaari gusto kong makapalaro kayong lahat." Naghiyawan naman ang mga kaklase ko kaya napatawa ang prof namin. Tumingin siya sa isa kong kaklase. "So sport chairman, it is up to you. Don't worry, I will ask the presence of our class president to help you." saad niya bago tumingin sa akin. "I am counting on you Ms. Dianna."
Ngumiti naman ako kay Ma'am bago tumango. "Yes Ma'am!"
"Oh, and also Ms. Dianna, the Dean is asking your presence after our subject."
Tumabingi ang ulo ko dahil sa taka. "Bakit daw po?
Nagkibit balikat siya. "Don't know either. Just proceed to principal office later." Tumango na lamang ako.
○○○
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit ako pinatatawag sa principal office. Wala naman akong natatandaan na ginawa kong mali. Hala! Baka bumaba ang grado ko sa ibang subject! Huwag naman sana.
Wala sa sarili akong naglalakad ng may nabangga ako dahilan kung bakit naglaglagan ang mga dala niyang libro. Agad ko naman itong tinulungan sa pagkuha.
"Pasenya na. Wala ako sa sarili ko nang mabangga kita." pagumanhin ko rito habang patuloy na tinutulungan siya.
"O-okay lang, nakayuko kasi ako kaya hindi kita nakita." Napatingin naman ako sa kanya at napansin ko na tulala siyang nakatingin sa akin kaya noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay nagiwas siya ng tingin sakin, halata rin sa kanya ang pagkailang. Hinawakan ko naman ang baba niya para iangat ang ulo niya. Mas lalo kong nakita ang itsura niya. Tumabingi ang mukha ko habang pinagmamasdan siya kahit naiilang na siya. Nerd pero di ko maipagkakaila ang maganda siya.
"Malabo ba talaga ang mata mo?" tanong ko dito. Mas lalo naman siyang nailang at iniwas ang tingin sakin.
"H-hindi naman. N-nakasanayan lang." nahihiya niyang sagot. Tumango tango ako at tinulungan siyang magbuhat ng mga libro.
"Saan mo ba ito dadalhin? Tutulungan na kita, mabuti naman at nadala mo ang librong ito, ang dami kaya."
Nagulat naman siya bago umiling. "H-huwag na. Kaya ko pa naman."
Umiling din ako sa kanya bago naunang naglakad sa kanya. "I insist. Come, sa library mo ba ito dadalhin?"
"Y-yeah." naiilang pa rin niyang sagot bago sumunod sa akin. "W-wala ka bang pupuntahan? Baka ma-late ka sa pupuntahan mo e."
"Nah, I can handle it. Pinapatawag lang naman ako ng Dean pero magkakapaghintay naman siguro siya." saad ko bago tumawa. Mahina siyang napatawa kaya napangisi ako.
"Salamat sa pagtulong sa akin." saad niya. Tumango lang sa kanya bago ngumisi.
○○○
"I have to go. Baka mamura ako." paalam ko sa kanya matapos namin madala ang mga libro sa library.
"Salamat ulit sa pagtulong." yumuko siya matapos sabihin yon. "M-may I know your name?" naiilang niya tanong.
I chuckled. "The name is Dianna. Sapphira Dianna Caltarana. Third year college, medicine." nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Nice meeting you. How about your's?"
Tinanggap niya naman ito. "I'm Jade Leilani Stanford but you can call me Jade. First year college, business administration." She smiled. "Nice meeting you also."
Nginisian ko siya. "Nice name." komento ko bago tumalikod sa kanya pero di pa ako naglakad at hinarap siya gamit ang kalahati ko lang na katawan. "And also, it's not bad to reveal who you are. Don't be shy. I know you're beautiful so show it." huling kong sinabi bago siya tuluyang tinalikuran at naglakad palayo sa kanya.
●○○○●
As a Christmas gift for everyone, I will publish the Prologue of one of my stories which is this. Huwag niyo pong ieexpect na mabilis ang update ko dahil marami po akong ginagawa dahil graduating po ako. And balak ko po talaga ay tatapusin muna ang storya bago ipublish but it turns out na i-reveal ang isa sa mga storya ko, sorry po. Thank you and Merry Christmas again!
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'