Chapter 42

74 3 0
                                    

Sapphira's POV

"Sapphira."

Nawala ang ngisi ako at napapitlag na lang nang marinig ang boses ni Levi mula sa labas ng walk-in-closet. Nagkatinginan kami ni Erin bago sabay na lumabas ng walk-in-closet.

"Levi." gulat kong saad dito habang naglalakad palapit sa kanya. "Ang aga mo naman ata."

Agad na pumulupot ang braso nito sa bewang ko.

"My father texted me, he told me we should be there before six." Tinignan nito ang relo niya. "And it's almost six. We're gonna be late."

"Oh." naisaad ko na lang. "Thank goodness, I'm already prepared."

Hinalikan niya noo ko. "Surely, it is." Humagod ang tingin niya sa katawan ko. "You're so beautiful in that dress. Can we not attend in the dinner and lock ourselves here?"

Hinampas ko ang dibdib nito. "Gago, tumahimik ka nga."

Tinawanan lang ako ng depungal bago tumingin kay Erin.

"Your husband was downstairs, waiting for you."

"Oh." Tumingin sa akin si Erin. "Well then, we'll go now." Ngumisi siya sa akin. "Yung sinabi ko kanina ha."

Ngumisi rin ako. "Sure, man."

Kinuha na nito si Airish na natutulog sa kama at lumabas na ng kwarto. Binalik ko ang tingin kay Levi.

"Hindi ka na magbibihis?" tanong ko dito.

"Nope, we don't have much time." Iginaya na niya ako palabas ng kwarto. "Let's go."

Agad kaming sumakay sa magara niyang kotse at pumunta sa lugar kung saan namin tatagpuin ang pamilya namin.

"Walang sinabi sa akin si Mama na may dinner na puluntahan ngayon." saad ko kay Levi sa gitna ng aming byahe.

"Maybe because she knows we're living together." sagot niya na nasa daan ang mata. Napanguso ako.

"Baka ampon lang ako."

"Stop saying that."

"Okay, madali akong kausap."

Natawa siya sa sinabi ko bago kinuha ang kamay ko at hinalikan.

"I love you." malambing niyang sabi. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Nagiwas ako ng tingin at tinignan na lang ang labas sa bintana.

"I-I love you t-too." nauutal kong sagot. Tangina self? Bakit ka nauutal?

Narinig ko ang pagtawa niya kaya namula ang mukha ko. Mabuti na lang ay madilim na kaya hindi niya makita.

"You feel concious?" nang-aasar niyang tanong.

"Stop it."

"Why? You shy?"

"Come on, stop that."

"I'm not doing anything."

"You're annoying me."

"I just said, 'I love you,' what wrong with that?"

"Tama na, hindi na ako natutuwa. Hihiwalayan kita kapag nang-asar ka pa."

"I'm zipping my mouth, baby. Don't worry."

May aalas-syete na nang makarating kami kaya alam kong huling-huli na kami. Hindi ko naman alam na malayo pala yung lugar.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon