Sapphira's POV
It's been almost two weeks. Balik na naman kami sa trabaho pero nanghingi ulit ako ng day-off dahil pupunta akong Batangas ngayon. Kailangan namin bisitahin si Tita Estrabelle, ang ina ni Kuya Clarky. Sinugod siya noong isang araw lang sa hospital.
Alam na ni Levi na aalis muna ako pero naisipan kong puntahan muna siya para makapagpaalam kasi kung hindi ako magpapaalam, malalagot na naman ako.
Bahagyang yumukod sa akin yung guard nang makita ako kaya napangiwi ako.
"Good morning po Miss Dianna." bati ng guard kaya ngumiti ako.
"Good morning din." balik kong bati bago pumasok ng kompanya ni Levi.
Akmang di-diretso na sana ako sa elevator nang may tumawag kaya napatingin ako doon.
"Miss Dianna!" tawag ni Bea sa akin habang natakbo palapit sa akin.
"Hey, Bea. Anong meron?" tabong ko nang makalapit siya.
Napakamot ito ng ulo. "Eh, Miss Dianna. Tamang-tama na naman po ang dating niyo. Nasabi po sa akin ni Miss Reign na galit na naman si President."
Natawa ako. "Hayaan niyo na yon, ganon lang talaga siya. Pero mabait naman yon."
"Eh, kasi po. Kaya galit ngayon si President." Pinutol niya ang sinasabi niya na para bang nahihiya siya sabihin.
"Bakit daw? Ano bang kinagagalit niya?" nagtataka kong tanong.
"Kasi po—" Napaiwas ito ng tingin sa akin. "May nagnakaw daw ng isang bilyon sa kompanya."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Isang bilyon?! Tangina, sinong nanakaw non?! Kaya pala grabe ang abala ni Levi nitong nakaraang araw.
"Kailan pa itong insidenteng ito?" tanong ko.
"Tatlong araw na po ang nakalipas, Miss Dianna." sagot ni Bea.
It makes sense. Kaya pala madalas may katawagan si Levi. Sa tuwing tinatanong ko kung may problema ba ang isasagot niya lang ay maliit na problema lang sa kompanya. Akala ko pinagpalit na ako.
Pero isang bilyon din yon, napakalaking halaga non. Pero si Levi naman yon, kawalan lang ata yon sa kanya. Pero sa akin? Tangina, hindi yon kawalan! Hindi dapat yon ipinagsasawalang-bahala! Malalagot sa akin si Levi kung pinabayaan niya lang yon na manakaw ng iba!
"Are they making any move to catch the thief?" tanong ko.
"Yun po ang hindi ko alam. Pero na-kwento po sa akin ni Miss Reign na dapat daw po hahayaan na lang yon ni President pero bigla daw po nagbago ang isip ni President at pinahahanap na po ang nagnakaw. Pero wala pa daw nakukuha na ebidensya kaya galit na galit si President."
Hindi ko alam na tsismosa pala ang dalawang ito.
"Sige." Kumaway na ako sa kanya. "Tataas na ako. Titingnan ko lang kung anong nangyayari."
"Sige po!"
Kumaway na rin sa akin kaya pumasok na ako sa elevator. Pinindot ko ang top floor at naghintay.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay lumabas na ako. Kumunot ang noo ko nang makita si Reign na abalang-abala.
"Reign." Napatili ito nang tawagin ko siya. Nanlaki pa ang mata nito nang makita ako. "Kaya pa ba?"
"Ma'am Dianna!" Nagmamadali itong tumayo at bahagyang yumukod sa akin. "Ano pong ginagawa niyo dito?"
Sumulyap muna ako sa pinto ng opisina ni Levi bago binalik ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'