Sapphira's POV
Nakasimangot lang ako habang nakaupo at nakahalukipkip. Kaharap si Levi at iba pa. Nandito kami sa restaurant na pagmamay-ari pala ng magulang ni Bryson. Kanina pa tapos ang klase namin at uuwi na sana ako nang pigilan ako ng Levi. Ayaw niya akong pauwiin, kailangan ko pa daw magpaliwanag sa kanya. Gumawa pa ako ng rason na bawal ako gabihin pero kahit iyon hindi pinalampas ni Levi. Nagpaalam daw siya kay na Mama na gagabihin ako ng uwi kasi kakain daw kami sa labas kaya wala na akong nagawa. Alam niya kasi iyon ang irarason ko. Kahit ano pang ginawa kong rason hindi niya pinalampas, lahat planado. Dapat kami lang ni Levi ang magkasama pero ang mga gunggong, sumama din.
"So, anong meron at anong nangyayari sa inyong dalawa? Talagang sa restaurant ko pa talaga ha." tanong ni Bryson nang walang magsalita sa akin.
"Hindi mo naman 'to restaurant pare, sa magulang mo 'to." sagot ni Carter.
"Akin pa rin 'to. Magulang ko may-ari e." mayabang na saad pa ni Bryson.
"Cut that shit. Ano bang meron?" kunot-noong tanong ni Tyler.
Ngumisi si Vincent. "May kasalanan ang isa diyan." saad niya sabay tingin sa akin. Binelatan ko siya.
"Sapphira." Napatingin kaming lahat kay Levi na seryoso lang nakatingin sa akin at katulad ko, nakahalukipkip rin siya habang nakasandal sa kanyang kinauupuan. "Explain."
"Ano pa bang ieexplain ko? Nasabi na ata ng babaeng yon ang lahat." asar kong sagot sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Then why the fuck did you told her that I'm your fucking cousin?!" matalin na saad nito sa akin. Natahimik kaming lahat. Nakasimangot lang akong nakatingin sa kanya habang siya tumalim ang tingin sa akin.
"Puta, pinsan daw?"
"Wow, incest."
"Astig, magpinsan pala."
"Ang galing, hindi alam na magpinsan."
"Hala, awit magpinsan amputa."
"Hindi namin yan pinsan mga gago."
"Hmm, trip ko lang?" patanong kong sagot na siyang dahilan kaya nagtawan silang lahat.
"Girl, astig ka." komento ni Allilaine habang natawa.
"Mamaya, ubos ang pasensya sayo ni Jaxon."
"Gaga ka girl, mas lalo mo pang gagalitin yan."
"Sapphira." matalim na saad ni Levi. "I won't buy in your jokes. You better tell me everything if you don't want me to punish you."
Tinaasan ko siya ng kilay bago ngumisi. "And what kind of punishment is that?"
Nawala ang ngisi ko nang siya naman ang ngumisi, hindi lang basta ngisi, mapanganib na ngisi yon. Nakakatakot.
"Oh, if I were you I will never ask what kind of punishment I'll give it to you. Believe me baby, you won't like it." he dangerously answered.
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Masama. Yon lang masasabi ko. Masamang galitin ang isang Jaxon Levi Stanford.
"Pare, sabihin mo na kasi." bulong sa akin ni Erin na katabi ko lang.
Napabuntong-hininga ako. "Alright. Sasabihin ko na." saad ko bago umayos ng tayo. "We're too complicated that time Levi. Tapos noong palabas na ako ng room noon para manood ng laro mo lumapit siya sa akin. Tinanong niya ako kung ano daw meron tayo noon, ang taray taray pa ng pagkakasabi akala mo kapatid mo. Kaya sinabi ko ay magpinsan tayo para tigilan na ako."
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'