Chapter 4

151 5 0
                                    

Sapphira's POV

"What's with you and Clark?"

Napakunot ako ng noo sa tanong niya pero kalaunan ay tumawa din ako ng malakas. Did he think that Clark and I are in a relationship? Shocks! That is so gross!

"Why the fuck are you laughing?!"

Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ang nakakatakot niyang boses. I mean, it's not really scary, slight lang.

"Are thinking that Clark and I are in a realtionship?"

Masungit siyang tumingin sa akin. "Is it not?"

Mas lalo akong napatawa ng malakas.

"Why the fuck are you fucking laughing?!"

"That is so gross! Clark is just my cousin!"

Naging malambot naman ang tingin niya sa akin. "Oh, is that so?" Napaiwas siya ng tingin nang tinignan ko siya ng nakangisi.

"Forget about it." Tumayo ako habang dala ang gamit ko bago humarap ulit sa kanya na nakatingin lang sa bawat galaw ko. "See you soon anak mayaman."

Maglalakad na sana ako palabas ng music room nang hawakan niya ako sa braso para lang pigilan.

"Wait!"

Tumingin naman ako sa kanya ng may nagtatakang tingin. "Ano yon?"

Napansin ako mukha siyang nagdadalawang isip kaya tinapik ko ang balikat niya. "If you're not ready to tell me then it's fine. Maraming araw para sabihin sa akin ang gusto mong sabihin."

Walang lingon na iniwanan ko siya doon dahil lintek na malagkit! Late na ako sa klase ko! Napailing na lang ako habang naglalakad. Wala atang magandang maipapala sa akin ang anak mayaman na iyon.

●○○○●

"Hoy pare!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ng kaibigan ko. Agad ko naman ito nilingon at nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin.

"Samahan mo ako sa mall. May bibilhin lang ako." bungad niya agad sa akin nang makalapit siya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang nasunod naman siya sa akin.

"At bakit aber? Wala kang kalandian no kaya mo ako niyaya." sagot ko sa kanya bago tumawa. Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

"Kasalanan ko ba na yung mga lumalapit sa aking lalaki ay sayo interesado."

Napangisi ako. "Hayaan mo na kasi sila. Ako lang ang habol nila sayo kaya kung ako sayo wag mo na lang silang pansinin."

"Ang kapal ng mukha mo! Meron din naman nagkaka-interesado sa akin a!"

"Pero kapag nakikita ako, sa akin ang tingin. Kaya tigilan mo na kalandian mo."

"You've got a point."

Natawa ako bago sumakay sa kotse ko. Sariling dugo at pawis ko ito, hindi ako umasa sa mga magulang ko. I feel so proud to myself.

Agad kaming nakarating mall dahil malapit lapit lang naman ito sa aming paaralan.

"Ano bang bibilhin mo dito? Gabi na kaya, baka mamura ako nina Papa." saad ko nang makapasok kami sa mall.

"May bibilhin kasi ako para sa activity namin. Alam mo naman ang mga activity ngayon, parang performance task."

"Maghiwalay tayo. Mabubugnot lang ako kakasunod sayo. Tumawag ka na lang kapag tapos ka na."

Tumango na lang siya kaya tumalikod na ako at nagsimulang mag-uli kung saan saan. Nagsimula na rin akong maglakad-lakad at naghanap-hanap ng maaaring mabili. Sa huli wala akong mahanap na mabibili kaya naisipan ko na lang magdala ng pasalubong sa magulang ko. Malamang nasa bahay na yon at maya-maya tatawag na kasi hanggang ngayon wala pa rin ako sa bahay.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon