Chapter 43

82 1 0
                                    

Sapphira's POV

"You're saying, Esteffany was trying to frame Jaxon up?"

Napatingin ako kay Allilaine dahil sa tanong niya. It's been a week since that incident happened. Magaling-galing na rin ang sugat ko. Ang ibig kong sabihin, namemeklat na siya.

May trabaho na ako ngayon pero kakatapos lang ng duty ko kaya napag-isipan namin magkita-kita.

"Point taken." sagot ko bago uminom ng juice. "Pero hindi naman siya nagtagumpay."

"How?" nagtatakang tanong ni Savannah.

Ngumisi ako at kinindatan siya.

"Because, I'm here." mayabang kong sagot.

"Dude, baka nakakalimutan mong nasa ibang bansa ka sampung taon na nakakalipas." saad ni Erin. Siya naman ang nginisian ko.

"Wala man ako dito noon pero may mata ako dito." sagot ko.

"Sino?" tanong naman si Erallyn.

Kinindatan ko siya. "Si Carter at Vincent." sagot ko bago tumawa.

Mas lalo akong natawa nang makita ang gulat na gulat nilang itsura.

"Tangina, seryoso?" nanlalaki ang mata ni Allilaine.

"Ah! Kaya pala napansin kong malapit si Vincent at Carter kay Presi!" saad ni Erallyn.

Ngumisi ako. "Yes! Yes! Yes! Nalaman niyo na ang tinatago ko!" saad ko bago tumawa ulit.

"Alam ba ni Presi yon?" tanong ni Savannah.

Napanguso ko. Gagong yon, akala mo kung sino. Nadulas lang naman ako kasi napuno ako sa Esteffany na yon. Gusto lagi maangkin ako pero iba ako sa ibang babae. I mentally smirked. Hindi siya makahanap ng paraan sa akin sa loob ng isang linggo.

"Wala sana akong balak sabihin pero nadulas ako." nakanguso kong sagot. Malamang sa narakaang araw, may ginagawa ng masama yon kay na Carter at Vincent.

"Wow, si Presi lang talaga ang kinakamusta mo. Hindi kami." sarkastikong sabi ni Erin.

"Pake ko sa inyo." barumabado kong sabi.

"Ang sama mong hayop ka!"

Magsasagutan na sana kami ni Erin nang biglang dumating ang mga lalaki kaya napasimangot kami pero wala naman si Levi, malamang abala yon sa trabaho.

"Bakit ganyan ang itsura niyo?" nakakunot ang noo na tanong ni Asher nang makalapit sa amin at hinalikan si Erin sa labi. I mentally scoffed. Ang lalandi naman.

"Bakit kayo nandito? Bonding namin 'tong mga babae." nakasimangot na sabi ni Savannah.

"Is it bad to come here?"

Napatingin kami sa nagsalita at nagliwanag ang mukha ko nang makita si Kuya Clarky at Tyler na nakapamulsang nakatingin sa amin.

"Kuya! Tyler!"

Agad akong tumayo at lumapit sa kanila at niyakap sila.

"Hey! Don't hug Tyler, Dianna!"

Napatingin ako kay Vincent dahil sa sinabi niya. Tumagilid ang ulo ko sa kanya.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko habang nakayakap pa rin kay Tyler.

"A-ano–kasi, ano—"

Napasinghap ako nang may humila sa akin palayo kay Tyler. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong kay Levi na siyang humila sa akin. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya nagtaka ako. Anong ginawa ko?

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon