Chapter 37

83 1 0
                                    

Sapphira's POV

"Doc."

Napatingin ako kay Celine nang tawagin niya ako. It's been months since I came back an these past few days, I've been busy. Naging sunod-sunod ang operasyon at ilang araw na rin ako hindi umuuwi sa condo ko sa kadahilanan na marami akong ginagawa. Ilang araw na rin akong pagod at masasabi ko na kahit papaano ay nawala sa isip ko si Levi. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita at pinagpapasalamat ko yon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung mahal ko pa rin ba siya. I'm so confused.

"Yes?" tanong ko kay Celine. Nandito ako sa opisina ko at nagbabasa ng mga cases ng pasyente ko.

"May naghahanap po sa inyo." sagot nito. Ibinalik ko ang tingin sa binabasa ko.

"Tell them, I'm busy." saad ko.

"Sige po." sagot nito bago lumabas ng opisina ko. Ipinokus ko ang isip ko sa pagbabasa at hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaganon hanggang sa marahas na bumukas ang pintuan ng opisina ko pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.

"Dianna!"

Napabuntong-hininga ako bago ibinaba ang hawak na papel at tumingin kay Eseffany. It's been weeks since she disturbed me. Lagi niyang sinasabi sa akin na balang araw ay makukuha niya ulit si Levi pero ako, tinatawanan ko lang siya. She really looked pathetic.

"Esteffany, hospital 'to at hindi barangay. Doktor ako at hindi mayor kaya hindi kita mabibigyan ng ayuda." saad ko dito bago umayos ng upo at matiim siyang tinignan. "Ano na naman ang gusto mo?"

Matalim ang tingin niya sa akin. "Jaxon changed again." Dinuro-duro niya ako. "And that's all because of you!"

Tumaas ang kilay ko. "Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko bago bumuntong-hininga. "Pasensya na pero hindi ko kasalanan kung nagbago ang pinakamamahal mong Jaxon. Hindi kita matutulungan na baguhin ulit siya. Sinabi ko na sayo, doktor ako pero kung handa ka ng pumasok sa mental, matutulungan kita. I'm willing to help you."

Mas lalong tumalim ang tingin nito sa akin. "You stupid—"

"Come on, wala ka ng bang ibang sasabihin bilang sa tanga ako?" putol ako sa sasabihin niya bago tumayo at naglakad sa harap ng lamesa at doon umupo. "Esteffany, I pity you." Ngumisi ako. "You're ruining your dignity."

"Who cares?" matalim niyang tanong sa akin. Nagkibit-balikat ako.

"I don't know." I smirked at her. "Maybe, me? What do you think?"

"I don't care. Pity me or what but I won't allow you to get near to my Jaxon."

Mahina akong natawa. "Naloko na."

"What?"

"Mali ka ng pinuntahan, Esteffany. Sa aming dalawa ni Levi, siya ang lumalapit. Siya ang pagsabihan mo." Inimuwestra ako na kamay ko at sinasabing lumabas na siya. "Get out of my office. I'm busy today, sa susunod mo na lang ako bisitahin."

"I'm not here to visit. I'm here to warn you—"

"Yeah. yeah. I don't care about your threat." Matalim ko siyang tinignan. "Umalis ka na kung ayaw mong mapuno ang pasensya ko at kaladkarin ka palabas."

Umirap niya. "Hanggang banta ka lang naman—"

"Yeah, ikaw din." Humikab ako. "Alis na."

Matalim niya akong tinignan bago tumalikod at padabog na lumabas ng opisina ko. Humikab ulit ako bago tumayo sa inuupuan kong lamesa at pumunta sa sofa. Humiga ako doon at ipinikit ang mata. Damn, I'm sleepy. 

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon