Chapter 10

117 5 0
                                    

Sapphira's POV

"So, ano 'tong nakita kagabi ha?"

Nanlalaki ang mata na napaangat ako ng tingin kay Erin. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil kakatapos lang ng aming exam at dito namin naisipan dumiretso dahil may susunod pa kaming exam. Ano lang naman, tatambay lang kami at balak sana mag-aral. Pero dahil kasama ang kaibigan, malamang magchichikahan kami dito.

"A-anong i-ibig mong s-sabihin?" nauutal kong tanong. Letse, nakita niya ang nangyari kagabi? Yung paghalik sa akin ni Levi? Pero gabi na noong nangyari yon!

Inirapan ako nito at sumandal sa kanyang upuan, humalukipkip at tinitigan ako ng mariin. Mama ko ba 'to?

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Nakita ko na e." mataray nitong sagot.

"Ano ba yung nakita mo? Hindi ko naman alam ang pinasasabi mo." saad ko bago umiwas ng tingin.

"Ows? Ano yung nakita kong paghalik sayo sa noo? Tangina mo, wag kang tatanggi. Ibibitin kita patiwarik." banta nito. Napatingin ulit ako dito.

"Nakita mo yon?!"

Wala gana itong tumango. "I saw every detail. Simula nang muntikan ka ng madapa dahil tanga ka hanggang sa paghalik sayo ni Presi."

"Ulol, bakit ka nandoon ha? Stalker ka ni Levi no?" paggugulo ko sa topic namin. Aba, nagigisa ako dito. Ayoko non.

Tumaas ang kilay niya sa akin. "At Levi pa talaga ang tawag mo? Alam ko na mga tactics mo Sapphira Dianna kaya sabihin mo na."

Napabuntong hininga ako. Huli na tayo putek.

"I don't have any idea. Hindi ko alam kung bakit niya hinalikan ang noo ko. Atsaka, sa noo lang yon, grabe ang OA mo. Okay na? Masaya ka na?" naiinis kong sabi dito.

"Aba, ikaw pa ang galit? Alam kong hindi mo iyon sasabihin kapag hindi ko nakita."

"Edi wow!"

Ang mataray niyang ekspresyon ay napalitan ng kilig dahilan kaya napairap ako. "Pero infairness, may tinatago din pala siyang sweetness sa katawan. Ang gwapo niya tingnan kahapon. That serious eyes tho! Ang hot tignan!" kinikilig nitong sabi. Napabuntong hininga pa ako nang mapatingin sa amin ang ibang estudyante sa sobrang lakas ng bunganga ng babaeng 'to.

"Pwede pakihinaan ng boses? Nakakaistorbo ka o." mahina kong saad dito.

Nginisian niya ako. "Ayoko nga. Atsaka, halatang may gusto sayo si Presi ha. I hate to admit but the two of you are so bagay!" maarteng saad nito. Napasapo ako ng noo. Kailan pa naging conyo ang ugag na 'to?

"Don't jump into conclusions Erin, baka marinig ng iba. Ayokong magulo ang pag-aaral ko dito." mariin kong saad dito.

Inirapan lang ako nito. Hayop ng babaeng 'to.

"Alam mo ba na hindi pumapayag si Presi na tawagin siya ng 'Levi'?"

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

Inirapan ako nito. "Jumbo hatdog kaya mo ba 'to kamo?"

Itinapon ko sa kanya yung ginamit kong tissue kanina pero nakailag. "Alam mo ikaw, kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka na lang. Nasusura ako sa sinasabi mo." naiinis kong sabi dito at binato ulit pero nakailag na naman ito bago tumawa.

"Pero seryoso, yung mga importante niya lang sa buhay ay may karapatang tumawag sa kanya ng ganon. At kung hinahayaan ka niyang tawagan siya ng ganoon. Aba putangina, congrats! Importante ka!"

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon