Sapphira's POV
"So you're saying that you saw your cousin here?" Tumango ako sa tanong ni Erin habang ngumunguya. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break, kanina pa kami nandito at panay lang kami ng kain dahil nakakasawa gumala. Mabuti na lang parehas kami bakante pagkatapos ng lunch.
"Yup, loko yon hindi sinabi sa akin na dito pala nag-aaral edi sana kasabay ko siya lagi pumunta dito." sambit ko sa kanya bago kumain ulit.
"Naku, huwag mong gagawin yan pre. Ikaw na mismo nagsabi na kaibigan siya noong mga Salazar kaya malamang sikat yon. Baka dumugin ka ng mga babae at dumami pa lalo ang mga 'basher' kuno mo."
Napakunot ako ng noo. "Sikat ba sila? Wala akong naririnig diyan."
Napasapo naman siya ng noo dahil sa sinabi ko. "Gosh, hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit tayo naging magkaibigan. Magkaibang magkaiba tayo pare!" saad niya bago niyugyog ang balikat ko. "Why? Why? Why?!"
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa magkabila kong balikat. "Baliw, huwag ako ang tanungin mo. Baka nakakalimutan mong ikaw ang unang lumapit sa akin at nakipagkaibigan. Pasalamt ka nga dahil tinanggap ko pa e."
Umirap siya sakin bagi umayos ng upo. "So boastful. By the way, yung grupo lang naman ng pinsan mo ay sikat dito dahil maliban sa nagga-gwapuhan silang lalaki ay kaibigan din nila ang mga officer."
"Officer?"
"Yeah, there's Asher the Peace Officer, Carter the Auditor, Tyler the Vice President and Ja—"
"Erin! Hanap ka ng Professor natin! Yung pinahahanap daw sayo asan na?!" Naputol ang sinasabi ni Erin nang biglang dumating ang isa sa mga kaklase niya. Bigla naman napatayo si Erin dahil sa sinabi ng kaklase niya.
"Oh shit, nakalimutan ko ibigay. Pare, aalis muna ako ha. Mag ibibigay lang ako sa Professor ko. Sa susunod na lang ulit tayo magkwentuhan. Basta yung sinabi ko huwag mong kalilimutan ha, layo ka muna sa pinsan mo." saad niya bago ako hinalikan sa pisngi at tumakbo palayo. Napabuntong hininga naman ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang presidente, kailan ko ba makikilala yon? Kapag graduating na ako?
Napabuntong hininga na lang ulit ako bago tumayo at naglakad palabas ng cafeteria. Saan naman ako pupunta ngayon? Habang nag-uuli ako ay nahagip ko ang science lab. Bakit hindi na lang ako mag-practice? Napatango naman sa naisip ko. Pwede na siguro yon, baka ikapatay ko pa ang pagiging bored. Naglakad ako papunta sa science lab at nagsuot ako ng lab coat at mask bago simulan ang gusto kong gawin.
Nagbasa-basa muna ako ng maaari kong gawin bago ko gawin ito para alam ko kung tama ba ang ginagawa ko. Abala ako sa pag-eensayo ng pagtatahi sa isang bagay nang may maramdaman akong presensya sa loob. Napatingin naman doon at nakita ko itong nakasandal sa hamba ng pintuan. Hinawi ko muna ang mask ko bago ako umayos ng tayo at hinarap siya.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko dito. Wala siyang sinagot bagkus ay tinitigan niya lang ako nito dahilan kaya ako nailang. "Hoy, di ka magsasalita diyan?"
"Malakas ang pakiramdam mo." tanging saad niya lang sa akin kaya napatawa ako ay umupo sa isang high chair na nakaharap din sa kanya.
"My father taught me." sagot ko na lang bago nagkibit-balikat. "Anong ginagawa mo dito?"
"None, napansin ko lang na may tao dito kaya tinignan ko. Hindi ko naman alam na ikaw pala yon." sagot niya bago naglakad palapit sa akin at umupo sa kaharap kong upuan. "How about you? What are you doing here?"
"Ohh." Napa-ayos ako ng upo bago tumingin sa ginagawa ko kanina. "Practicing."
"Can you teach me?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'