Sapphira's POV
Napatingin ako sa may pintuan nang may pumasok doon.
"Erin? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang pumasok ito sa kwarto ng isa sa mga pasyente ko.
"May naghahanap sayo doon sa lobby." sagot niya bago umupo sa kama ng pasyente ko.
Buhat ko ngayon yung pasyente ko dahil bata pa lang ito at kanina pa iyak ng iyak dahil wala ang nagbabantay ngayon. Bumibili ng pagkain daw.
"I'm busy today, I can't entertain them. Tell them, I'll meet them some other time." saad ko habang isinasayaw-sayaw yung bata. "Sino nga pala naghahanap sa akin?"
"Hindi ko alam, nasabi lang sa akin ni Celine. Kanina ka pa hinahanap e." sagot niya bago tumayo at kinuha sa akin yung bata. "Ako na diyan, mag-rounds ka na lang. Alam ko naman hindi mo pupuntahan yung bisita mo kaya nasabihan ko na si Celine na sabihin doon sa nagahhanap sayo na hindi mo siya kikitain."
Ngumisi ako. "Ayos a, kilalang-kilala mo ako."
Inirapan niya ako. "If I know, kilalang-kilala mo rin ako."
Kinuha ko ang stethoscope ko at isinabit yon sa balikat ko. "Nope, pake ko sayo."
"Gago."
Pinanlakihan ko ito ng mata. "Hoy! May bata! Grabe 'to, hindi na nahiya."
"Whatever. Alis na, baka masipa pa kita."
"Wala ka bang gagawin?"
"Currently, break time."
"Okay." Nagkibit-balikat ako bago lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa opisina ko para alamin ang sunod ko gagawin.
"Doc Dianna." tawag ni Celine sa akin nang pumasok ako sa opisina ko.
"Celine, nakaalis na ba yung naghahanap sa akin?" tanong ko habang binabasa ang schedule ko ngayon.
Napakamot ito ng ulo. "Yun na nga po ang problema e, sabi niya hihintayin na lang daw po kayo matapos. Sinabihan ko na pong mamayang gabi pa ang tapos niyo pero mapilit po talaga siya. Hindi ko po kilala e, nasabi lang po sa akin ng isa sa mga nurse na nasa lobby kaya pinarating ko na lang din po sa nurse na sabihan yung naghahanap sayo na hindi mo aoya mapupuntahan."
Napabuntong-hininga ako. "Mamaya ko siya pupuntahan. For now, let's go to our next duty."
"Yes, doc." tugon niya kaya lumabas ng kami ng opisina at pumunta na sa operating room.
●○○○●
Umunat-unat ako nang makalabas kami ng operating room. Limang oras kami nasa loob ng operating room at masaya kami dahil naligtas namin yung batang may taning na ang buhay.
Tinanggal ko ang medical gloves at mask ko at itinapon yon sa basurahan.
"Doc Dianna, iyon na po ang huli niyong duty ngayon. Pwede na po kayo umuwi." saad ni Celine nang makalapit siya sa akin.
"Let's go, then."
Naglakad na kami papunta sa opisina ko at naisipan namin dumaan sa kabilang direksiyon para tingnan kung nandoon pa ba naghahanap sa akin. I feel sorry, pinaghintay ko soya ng matagal kasi nasabihan na siya na abala ako ngayon.
Pumunta kami sa nurse na nandoon para magtanong.
"Nurse, nandito pa ba yung naghahanap kay Doc Dianna?" tanong ni Celine.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
רומנטיקהThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'