Chapter 41

78 2 0
                                    

Sapphira's POV

Nanatili akong tahimik at hinayaan ang gaga na dumadada. Kinuha ko ang suklay at bumalik sa kama at umupo. Inilagay ko sa loud speaker ang cellphone ni Levi at inilapag sa kama. Sinimulan kong magsuklay habang nakikinig sa walang kwentang sinasabi ni Esteffany.

"Jaxon, how are you? Alam mo ba, madalas akong nakikita si Dianna at sa tuwing nakikita niya ako, lagi niya akong inaaway." I mentally scoffed. Anong pinagsasabi ng gagang 'to? Sana okay ka lang.

"Hinahayaan ko na lang siya na awayin ako kasi alam kong may pinagdadaanan siya. Siguro hindi pa rin siya maka-get-over sayo." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Actually, I can't tolerate her anymore. Sinasaktan niya ako sa tuwing nakikita niya ako. I've got bruises all over my body because of her."

"Sapphira—"

Mabilis kong sinenyasan si Levi na tumahimik nang lumabas ito ng banyo, nakatapis lang ng tuwalya ibabang bahagi. Napatampal ako ng noo. Anong pinagmamalaki niya? Yung pandesal niyang wala namang kape?

Agad naman kumunot ang noo nito nang sinenyasan ko siya. Hinalikan niya muna ang noo ko bago kumuha ng damit at bumalik sa banyo.

"Jaxon, hindi mo ba siya pagsasabihan? Sumasama na ang ugali niya. Alam kong nagkakausap pa rin kayo, alam kong siya ang dahilan kung bakit bigla ka na lang ngumingiti mag-isa kung bakit bigla ka na lang umaalis sa gitna ng meeting natin. Yung totoo Jaxon, mahal mo pa rin ba siya?"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang pagtawa. Walang hiya Levi, hindi ko alam na ngumingiti ka mag-isa. Sana okay ka lang din.

"Jaxon, may gagawin ka ba bukas? Nasabi sa akin ni Mommy na may dinner daw bukas kasama ang pamilya at isa pang pamilya, hindi ko alam kung sino pa ang isa." saad nito bago humagikgik na batang bata kaya kumunot ang noo ko. Pabebe, amputa. "Baka ito na ang oras para sabihin sa kanila kung anong relasyon natin, Jaxon."

Hindi ko na napigilan at tumawa na ako ng malakas. What the fuck?! Naloko na! Nasisiraan na ng bait ang isang 'to!

"Oh damn, Esteffany." natatawa kong banggit sa wakas. "I'm really happy today. Happy pill na ata kita."

"What the fuck?! Dianna?!" gulat nitong sabi kaya tumawa ulit ako ng malakas. "What the fuck Dianna?! Why the did you answer Jaxon's phone?! Where the hell is he?!"

"Bakit ba nagagalit ka?" natatawa kong tanong. "Wala si Levi, sensya na. Naliligo e."

"What?! Nasaan kayo?! Bakit kayo magkasama?! Dianna! Sumagot ka!" nanggigigil na saad nito. Pinunasan ko ang luha nagbadya sa mata ko dahil sa kakatawa.

"Damn, Esteffany. Calm down. Bakit ka ba nagagalit?" tanong ko bago itinaas ang paang may sugat. "Tumawa lang naman ako, anong masama doon?"

"Bakit kayo magkasama?!" galit nitong ulit, hindi pinansin ang pang-aasar.

"Narinig ko lahat ng sinabi mo, Esteffany. Bakit naman ganon? Gumagawa ka ng kwento. Wag ganon, bad yon." pang-aasar ko pa, hindi pinapansin ang galit niya.

"Don't make a fun of me Dianna! Iyan na lang ba ang kaya mong gawin?! Ang mang-asar sa iba?!" Narinig ko ang pagtawa nito ng malakas. "Hah! Hanggang ngayon nagtatanong pa rin ako sa sarli ko kung anong nagustuhan niya sayo!"

"Nagustahan niya ang pang-aasar ko. Ayaw niya sa boring, katulad mo." saad ko bago tumawa. "Ngayon, ako naman ang nagtatanong sa sarili ko kung ka nagustuhan non."

"You stupid—"

"Sapphira, who the hell are you talking to?"

Napatingin ako kay Levi na lumabas na ng banyo at nakasuot na ng boxer at manipis na sando. Nginitian ko siya.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon