Chapter 15

104 2 0
                                    

Sapphira's POV

Agad nagningning ang mata ko nang makita ang pagkaing dala ni Levi.

"Palabok!"

Agad ko itong hinila palapit sa akin nang mailapag ito ni Levi sa lamesa. Kinuha ko ang tinidor at akmang susubo na nang pigilan ako ni Levi. Napatingin tuloy ako dito.

"Eat your proper food Sapphira. You can eat that later."

Napasimangot ako bago tinulak palayo ang palabok ko at inilapit naman ang binili niyang adobo at kanin para sa akin. Natawa si Levi nang mapansin niyang nakasimangot ako. Pinisil muna nito ang pisngi ko bago umupo sa harap ko. Hinimas ko ang pisnging pinisil niya.

"Why the hell did you pinched my cheeks?!" bulyaw ko sa kanya habang hinihimas pa rin ang pisngi.

Nginisian niya ako. "You're being cute again Sapphira. Can't help it, you're my happy pill." saad niya bago nagkibit-balikat na parang wala lang.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya yumuko ako. Ako ang nahihiya sa pinagsasabi ng kulugong ito.

"K-kumain ka na nga lang."

"I'd rather eat you."

Nanlalaki ang mata na napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "A-ano?" Tinawanan niya lang ako dahilan kaya lumapit ako dito at hinampas. "Loko ka Levi! Ang bastos mo! Manyakol!"

"W-what?" He's still laughing.

Umayos ako ng upo habang masama ang tingin dito. "Kulugong presidenteng manyakol."

He stilled. "What the fuck?" Nginisian ko siya bago nagsimulang kumain. "Damn Sapphira. What did you just fucking call me?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Galit ka?" mataray kong tanong dito.

Marahas itong bumuga ng hangin. "Damn baby, I yield."

"Good." sagot ko bago pinagpatuloy ang pagkain. "You should eat Levi. Mamaya ka na magmukmok diyan."

Tahimik siyang kumain kaya napahagikgik ako sa isipan ko. Nasa akin ang huling halakhak.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang may sumigaw habang tinatawag si Levi.

"President Jaxon! Yohoo!"

Napatingin ako sa tumatawag kay Levi habang si Levi naman ay patuloy na kumakain.

"Levi, may naghahanap sayo."

He frowned. "Don't mind him."

"Presi! Asan ka ba?! Hoy ikaw-ang cute mo naman! Pero nakita mo ba si President Jaxon Levi Stanford?"

Hindi ko mamukhaan ang naghahanap kay Levi dahil ang layo nito sa lamesa namin pero halata naman na lalaki yon. Kumunot ang noo ko nang napatingin ito sa aming lamesa at naglakad palapit.

Saka ko lang ito namukhaan ng makita ko ng malapitan ang mukha nito.

"Presi-"

"Cut the fuck out Salazar." malamig na saad ni Levi habang ako naman ay tahimik na lang nakain ng palabok ko.

"Pero Presi-"

"I said cut the fuck out."

"Okay." sumusukong sagot niyo bago tumingin sa akin. Napalitan ng ngiti ang simangot nito kanina. "Hi Dianna! Bakit kayo magkasama kumain ni Presi?" inosente niyang tanong pero alam kong may namumuong ideya sa isip niya.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon