Sapphira's POV
Marahas kong tinulak si Levi nang marinig ko ang boses ni Mama. Tumayo ako at humarap kay Mama. Akmang lalapit na ako nang biglang tumayo rin si Levi at sinapo ang pisngi ko at pilit akong hinahalikan habang ako ay pinipigilan ito.
"Levi! Itigil mo nga yan! Nandiyan sina Mama o." pigil ko dito. Mukha naman ito natauhan at umayos ng tayo.
"Right, sorry." saad nito bago ako hinawakan sa bewang at humarap na rin kay na Mama.
Nakamaang lang na nakatingin sa amin sina Mama. Nakayakap dito si Papa na para pang tinatakluban nito si Mama para hindi kami makita. I mentally palmed. Ang arte ni Mama, parang hindi sila naghahalikan ni Papa a.
Kimi akong ngumiti sa kanila. "Hi Mama." bati ko dito bago kumaway. "Hi Papa."
"Anak, ano ba yan? Gagawa na nga lang kayo ng scandal dito pa sa sala. Hindi ba pwedeng sa kwarto mo na lang."
"Mama!" nanlalaki ang mata na saad ko dito. Maloloka ako kay Mama ng di oras. "Papa, patigilin mo nga si Mama."
Nagkibit-balikat ito. "Wala din akong gawa sa Mama mo." sagot nito bago malamig na tumingin sa katabi ko. "Who are you, young boy?"
Malamig rin na tumingin si Levi kay Papa. "I'm Jaxon Levi sir. Sapphira's boyfriend."
Tumaas ang kilay ko bago nilapit ang labi sa tenga niya. "Why are you always telling them that you're my boyfriend when in fact it's not?" bulong ko dito. Tinignan niya ako bago ngumisi. He leaned in my ear.
"Doon din ang punta natin." Napairap ako bago tinuon ulit ang tingin kay na Papa.
"Jaxon Levi huh. You're a Stanford." saad ni Papa. Nagtataka na tumingin ako dito.
"Kilala mo Papa?"
"Stanford yan, mahal?" tanong din ni Mama na nagtatakang nakatingin kay Papa bago binalik ang tingin kay Levi. Napasinghap siya. "Oo nga. Kamukha niya ama niya. Ang gwapong binata." Ngumiti ito kay Levi. "I'm Stella, Dianna's mother." Iminuwestra nito kamay kay Papa. "And this is my husband, Leonardo."
Kumunot ang noo ni Levi. "I'm glad to know you, sor and ma'am but you know me?" tanong nito sa magulang ko.
Tumango si Papa bago iginaya si Mama na umupo sa sofa kaya naupo na rin kami ni Levi.
"Yes, I know your parents. You're exactly replica of your father Jaxon." sagot ni Papa.
"Mas lalo kang gumwapo Jaxon. Naalala ko pa noong bata ka pa. Grabe ang sungit mo noon, hanggang ngayon pala." nakangiting saad ni Mama.
Kumunot ang noo ko. "Mama, paano mo nakilala si Levi?" tanong ko.
Ngumisi si Mama. "Oh, it's for you to find out."
"Princess, totoo ba na boyfriend mo na si Jaxon?"
Napatingin ako Papa sa tanong bago tumingin kay Levi. Nakatingin rin ito sa akin. I saw amusement on his eyes causing me sighed.
"Yes, po." nakayuko kong sagot. Rinig ko ang pagngisi ni Levi bago ako hinapit palapit sa kanya. Naramdaman ko ang labi nito sa tenga ko.
"Damn baby, you made my heart pound. Let me kiss you baby." he whispered then kissed my earlobe. Piningot ko ang tenga niya bago inilayo sa akin ang mukha niya. "Fuck! Ouch!"
"Titigil, titigil? Choose." saad ko bago mas lalong piningot ang tenga niya.
Napangiwi ito. "Fuck! I'll stop! I'll stop!" Agad ko naman binitawan ang tenga niya. I cutely smiled at him.

BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'