Read at your own risk, I guess.
Sapphira's POV
Tahimik lang akong nakatingin sa karagatan habang nakababad ang katawan ko sa pool. Masayang nagbabasaan ang iba habang ako, nakatulala lang sa kawalan.
"Dianna." Narinig ko ang boses ni Erallyn na tinatawag ako pero hindi ako nagpatinag. Nanatili akong nakatitig sa karagatan.
"Pare'koy, ayos ka lang ba?" tanong ni Erin pero hindi pa rin ako nagpatinag.
"Ano bang ginawa ni President diyan? Kanina pa yan tahimik a." saad ni Savannah.
"Tawagan na kaya natin jowa niyan, baka masiraan ng bait ang lukang yan." saad naman Allilaine. Matalim ang mata ng tinignan ko sila kaya napaatras sila.
"Don't you ever call that fucker." Sinabunutan ko ang buhok ko nang maalala ko na naman ang ginawa ng depungal na yon.
"Pare'koy, kanina ka pa tahimik. Nagaalala na kami." saad ni Erin.
Binalik ko ang tingin sa karagatan. "Basta huwag niyong tatawagin ang depungal na yon."
"Sige."
Lumayo na sila sa akin at pinapatuloy ang ginagawa habang ako naman ay nanatiling nakatitig sa karagatan. Napapikit ako nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Levi kahapon.
That damn bastard! How dare he take advantage of me?! Gago siya! Gago!
"Sapphira."
Natigilan ako nang marinig ang baritonong boses ni Levi. Hindi ako makagalaw–hindi–hindi ko alam kung paano ako gagalaw.
Unti-unti akong humarap para kumpirmahin kung siya nga talaga yon. Napasinghap ako nang makia si Levi na seryosong nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa mga braso niyang naka-krus sa baba ng dibdib niya. Ang maskulado ng pagkakadating ng mga braso niya. Mas lalong bumaba ang tingin ko sa katawan niya, kahit nasa may bandang tiyan niya lang ang tubig, malinaw ko pa rin naaaninag ang mga pandesal niya na hinawak-hawakan ko kagabi.
Mabilis akong umiling para matanggal ang napakabastos na imahe sa utak ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" natatakot kong tanong bago niyakap ang sarili ko.
Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. "You didn't even bother to call me that you're going to swim today. Kung hindi pa sinabi ng mga kaibigan mo, hindi kita mahahanap."
Mabilis kong hinanap ang mga kaibigan ko at tinaasan ng gitnang daliri nang makita sila. Mga hayop sila! Sabing huwang tatawagan si Levi!
"It doesn't matter anymore, nakita mo na rin naman ako." saad ko bago tumalikod at tinignan na lang ulit ang karagatan.
Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin kaya mabilis ko itong hinarap. Napasinghap ako nang makitang malapit siya sa akin. Tumingala ako para makita ang seryoso nitong mukha.
"Are you avoiding me?" seryoso niyang tanong na siyang dahilan kaya napaiwas ako ng tingin. Sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik yung nangyari kahapon.
"Yes." mahina kong sagot. Napaatras ako nang mas lalo niyang inilapit ang katawan sa akin pero masyado ako tanga sa part na yon, wala na pala akong aatrasan.
"Is it because of what happened yesterday?" His voice became husky! Why?!
"Yes."
"You can't move-on?"
"I'm trying."
"You want to forget it?"
"Ofcourse."
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'