Sapphira's POV
"Papa!"
Napatingin ako kay Lein nang tawagin niyang 'Papa' si Jaxon. Papa? Ibig sabihin ama niya ito? O my gosh, may pamilya na pala siya!
Ibinalik ko ang tingin kay Jaxon at ibinalik ang tingin kay Lein. Wala naman silang pagkakahawig pero baka sa ina nagmana yung bata kaya ganon. Napansin kong nagpupumiglas si Lein sa pagkakabuhat ko kaya ibinaba ko siya. Agad naman itong tumakbo papunta kay Jaxon na agad naman binuhat.
"Ah, nawawala kasi siya kanina kaya isinama ko muna." paliwanag ko kahit hindi pa ito nagtatanong. Napatingin sa akin si Lein.
"Momma, usto mo ama ka amin?" bulol pa nitong tanong sa akin. Natawa ako bago naglakad palapit kay Lein at pinisil ang pisngi niya.
"Sorry baby, hindi ako pwede ngayon kasi maraming gagawin si momma." Hinalikan ko siya sa sentido. "Aalis na ako ha, ingat ka palagi."
Ngumiti siya sa akin bago kumaway. "Bye, momma! Tenkyu!"
Kumaway na lang din ako sa kanya bago tumalikod at walang lingon likod na naglakad palabas ng mall.
Napabuntong-hininga ako nang makapasok ako sa kotse ko. Sinimulan ko ng paandarin ang kotse ko at dumiretso na pauwi.
●○○○●
Napatingin ako sa pinto ng opisina ko nang bigla may kumatok dito. Isang linggo na ang nakalipas nang magkita kami ni Jaxon at nagpapasalamat ako na nang matapos an tagpong yon ay hindi na kami nagkita. Kasi ako, hindi pa ako handa.
"Pasok."
Hindi ko tinignan ang pumasok, bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat sa ginagawa ko. Napansin kong naglakad ito palapit sa lamesa ko at umupo sa upuan na nakatagilid sa lamesa ko.
"Wala kang balak kumain ng tanghalian?"
Napatingin ako kay Erin na nakahalumbabang nakatingin sa akin. Nakasuot pa ito ng medical coat at may nakasabit pang stethoscope sa balikat niya. Napabuntong-hininga ako bago binitawan ang ballpen na hawak at sumandal sa sandalan ng swivel chair ko. Hinilot ko ang sentido ko.
"Sorry, hindi ko namalayan ang oras. Marami lang akong ginagawa." sagot ko.
Umayos ng upo si Erin bago tinaas ang kilay sa akin. "Malamang, nasali ka sa isa sa mga magagaling na doktor e."
"Kasalanan ko bang nasali ako?" mataray kong tanong.
"Wala akong sinabi." Tumayo siya sa pagkakaupo. "Tara na. Tapos punta tayo sa amin. Pakikilala kita sa anak ko. Nakakahiya naman sayo, ilang taon kang absent sa pagiging ninang niya."
Natawa ako at tumayo na rin. "Huwag kang magalala, hindi ko tatakbuhan ang inaanak ko."
"Aba, dapat lang."
Lumabas na kami ng opisina ko at pumunta sa cafeteria para kumain ng tanghalian. Hanggang tanghali lang ang duty namin Erin pero bukas hanggang madaling araw na kami. Hindi ko alam kung bakit pero madalas kami ni Erin na magkaparehas ang schedule.
"Ilang taon na ba ang inaanak ko, Erin?" tanong ko nang magsimula na kami kumain.
"Dalawang taon, babae." sagot niya bago sumubo ng pagkain.
Napangisi ako. "Sa susunod na araw na lang ako pupunta."
Nakakunot ang noo na napatingin siya sa akin. "Ha? Bakit?"
"Bibili muna ako na maibibigay sa inaanak ko."
Napangisi siya. "Iyan ang gusto ko sayo!"
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'