Chapter 38

82 1 0
                                    

Sapphira's POV

Walang imik na hinila ako ni Levi palayo doon sa lalaking natuod sa kinatatayuan.

"L-Levi—"

Naputol ang sasabihin ko nang matalim na tumingin siya sa akin.

"Who the fuck is that guy?" matalim niyang tanong. Napalunok ako.

"A-ah ano, si France?" patanong kong sagot. Iyon ang pakilala ng lalaki e!

"I already know his name! What I want to know is why are you talking to that fucking guy?!" bulyaw niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

"Bakit ka nagagalit?! Nagtatanong lang naman ng pangalan yung lalaki! Anong masama doon?!" bulyaw ko rin sa sakanya. Hindi siya nagsasalita. Matalim lang siyang nakatingin sa akin at marahas na nagtataas-baba ang balikat na para bang hinihingal siya.

"Where is your clothes?" madiin nitong tanong. Inirapan ko lang siya bago nilampasan at bumalik sa cottage kung nasaan sina Mama. Nawalan na ako ng gana maligo sa dagat. "Sapphira!"

Hindi ko siya pinansin, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa cottage. Alam kong nakasunod lang sa akin si Levi pero hindi ko siya tinuonan ng pansin.

"Oh anak, ang bilis mo naman maligo—Ha? Hindi ka naman basa, anong ginawa mo? Naglandi ng buhangin?" saad ni Mama nang makapasok ako sa cottage. Sinuot ko ang short ko kanina pati na rin ang cardigan ko.

"Nawalan ako ng gana, Mama. May tukmol kasing sumulpot na lang kung saan-saan.'' sagot ko bago inayos ang buhok. Nakita kong nagkatinginan sila ni Tita Liandra bago binalik ang tingin sa akin. Magsasalita na sana si Tita Liandra nang biglang pumasok ang sanhi ng pagkainis ko ngayon.

"Sapphira, I'm talking to you." saad ni Levi nang makalapit siya sa akin. Asar ko siyang hinarap.

"Ayaw kitang makausap." sagot ko bago humarap kay na Mama. "Balik lang po ako sa kwarto ko."

Akmang maglalakad na sana ako palabas ng cottage nang pigilan ako ni Levi sa braso. Naiinis ko siyang tinignan.

"Let's talk." saad niya.

"Ayaw nga kitang kausap. Ano bang mahirap intindihin doon?" kunot noong sabi ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago ako hinapit palapit sa kanya dahilan ng pagkasinghap ko.

"I'm sorry." bulong niya sa akin bago ako mahipit na niyakap. "I'm really sorry."

Namula ako, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Akmang itutulak ko na sana ito palayo sa akin nang mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.

"Levi, mahiya ka naman. Nandiyan ang Mama natin." mahina kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago humiwalay ng yakap sa akin pero nanatili ang mga braso niya sa bewang ko.

"You still mad?" tanong niya. Napaiwas ako ng tingin. Ang gwapo, tangina.

"Hindi na." mahina kong sagot. Puta! Anong rupok mo naman self!

Hinalikan niya ako sa noo dahilan ng pagpikit ko. "Good. Wanna eat?"

Umiling ako. "I'm still full."

"You'd mentioned earlier you want to go to your room." Ngumisi siya sa akin. "Want me to go with you?"

Namula ako. "Hindi na. Kaya ako ang sarili ko."

"I insist." mabilis niyang saad bago humarap kay na Mama. "Mom, Tita. I'll just bring her to her room."

Sabay na ngumisi sina Mama dahilan kaya napangiwi ako. Oh, no.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon