Sapphira's POV
"Ang pangalan ng presidente natin ay Jaxon Levi Stanford pre, bakit mo ba tinatanong? Di mo ba kilala yon?"
Napabuntong hininga ako sa tanong ni Erin sa akin. Matapos kong malaman na si Levi pala ang presidente ay kimi lang ako ngumiti sa kanya tapos ay tumakbo na ako palabas ng lab. Nahiya pa nga ako nung una kasi hindi ko napansin na suot ko pa pala ang lab coat at mask. Shit talaga, kahiya-hiya yon sa part ko bakit ba?
"Tatanungin ba kita kung kilala ko?" balik kong tanong sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya.
"Pero infairness, ang gwapo ng lalaking yon. Panganay yan sa pamilyang Stanford. Baka hindi mo rin alam, ang Stanford ay isa sa mga malalakas na kompanya. Wala pang nakakatalo sa kompanya nila. Nakakatuwa nga si Presi kasi kahit hindi pa siya tapos mag-aral ay alam na niya kung paano mag-handle ng ganon kalaking kompanya. Hay, hindi lang siya gwapo, determinado din siya. Crush ko nga yon e kaso lang ubod ng sungit." kwento niya habang ako ay nakahalumbaba lang at matamang nakikinig sa kanya. Ganon pala kagaling si Levi? Hala, sana all.
"May kapatid ba siya or something?" nakakunot kong tanong sa kanya. Napa-isip naman si Erin sa tanong ko.
"Hmm, yes. Dalawa lang silang magkapatid at babae ang bunso niyang kapatid. Kung hindi ako magkakamali ay business administration din ang kinuha ng kapatid niya."
"Hindi naman siguro sila pinilit ng magulang hindi ba?"
"What do you mean 'pinilit' pre?"
"You know, they took that course for their company something like that."
Nagulat ako nang humagalapak siya ng tawa.
"Gago ka pre! Halatang wala kang kaalam-alam kay Presi! Hindi mo ba alam na halos lahat ng estudyante, mababae malalaki alam halos lahat tungkol kay Presi? Jusko, estudyante ka ba?" saad niya bago tumawa ulit ng malakas. Napasimangot naman ako. Kasalanan ko ba na nakatuon lang ang pansin ko sa pag-aaral simula noong pumasok ako dito?
"Sa pag-aaral lang nakatuon ang pansin ko remember?"
"Oo nga pala. So, ang tinatanong mo ay walang katuturan pre. Kaya iyon ang course ni Presi ay dahil may sarili din siyang kompanya, yung dugo at pawis talaga niya. Yung sa kapatid naman niya ay siguro dahil magpapatayo ito ng negosyo." sagot niya. Napakunot ako ng noo sa sagot niya.
"Bakit naman nagpatayo pa ng sariling kompanya si Le— I mean si Presi kung sa kanya naman pala ibibigay ang kompanya?" Napaisip naman siya sa tabong ko.
"Kung hindi ako nagkakamali ng narinig. Hindi naman daw talaga tinanggap ni Presi yung kompanya kasi nga daw gusto nito ay yung mismong pera niya ang gagamitin para makapagpatayo ng kompanya. Noong una okay lang naman daw sa kanyang magulang kasi may kapatid pa naman si Presi. Kaso lang ayaw din ng kapatid niya kasi nga katulad ng kapatid niya, gusto niya rin ng sariling negosyo. I mean—mali pala ako, okay lang pala doon sa kapatid niya pero at the same time gusto niya pa rin ng sariling negosyo. Pero dahil mas matanda si Presi, siya na lang ang nagpaubaya at tinanggap na lang kompanya ng pamilya nila kahit may sarili na siyang kompanya. Ayaw niya daw kasing mahirapan ang kapatid niya kaya siya na lang ang nag-handle ng kompanya nila." saad niya bago napabuntong hininga. "Tingnan mo diba? Napaka-perfect brother ni Presi. Sana all ganon diba?"
Natawa ako. "May kuya din naman ako pero hindi katulad niya. Yung kuya ko makita lang ako naiyak, masaya na yon. Ganyan ka-shit si kuya." saad ko bago tumawa ng malakas. Natawa na rin siya sa sinabi ko.
Nagpatuloy lang kami sa pagku-kwentuhan ni Erin dito sa baba ng puno nang biglang may lumapit sa aming magandang babae na mukhang nahihiya na sa tingin ko ay mas bata sa amin ni Erin.
BINABASA MO ANG
JUST A SNAP
RomanceThe President should be formal and serious. Well, not until he met this girl called 'Doctor Beauty.'