Chapter 3

158 5 0
                                    

Sapphira's POV

"May I know who you are?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkus ay tahimik lang niya akong tinitigan kaya nailang ako. Ikaw ba naman ang titigan ng ganito, tingnan lang natin kung hindi himatayin. Pero syempre hindi ako ganon, mataas ata ang tolerance ko sa temptasyon. Unti unti kong itinaas ang kanang kamay ko ay iwinaga-wayway sa hatap niya. Napansin kong doon siya natauhan dahil napapikit pikit pa siya.

"Tinatanong kita Kuya, anong pangalan mo?" saad ko bago tumayo para tingnan ang ulo niya.

"What happened?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin. Jusko, pati ba naman boses gwapo parin? Aba, masyado ata pinagpala ang anak mayaman na ito.

"Ayon sa mga kasamahan mo, natamaan ka daw ng bola tapos bumagsak sa bato yang ulo mo. Ang laki laki mong tao tapos mapapabagsak ka lang ng isang bola? Aba, nakakahiya sa fans mo. Hindi mo ba yun alam?" sunod sunod kong sagot sa kanya habang nililinis ang sugat sa ulo niya. "Sa susunod kasi magiingat ka. Alam mo naman nasa gitna ka ng laro tapos wala naman doon ang utak mo, talagang madidisgrasya ka. Be alert naman kuya." dagdag ko pa bago inayos ang mga ginamit ng gamit.

"K-kuya?" nakamaang siyang nakatingin sa akin. Duh, mas matanda kaya ata siya sa akin. Nakakahiya naman kung tatawagin ko siyang manong kasi di ko alam ang pangalan niya.

"Kanina pa kasi kita tinatanong kung anong pangalan mo kuya e ayaw mo naman sumagot edi kuya na lang itatawag ko sayo." sagot ko bago tumawa.

"The name is Jaxon, Jaxon Levi Stanford. Fourth year college, Business Administration." pakilala niya. Napakunot ang noo ko. Mas matanda nga siya sa akin kaya dapat ko siyang tawaging kuya.

"Mas matanda ka nga sa akin kaya dapat kitang tawaging kuya." napatawa ako ng mahina sa sinabi ko bago naglahad ng kamay. "Nice to meet you Levi." Nakamaang niyang tinanggap ang kamay kaya matamis ko siyang nginitian. Magsasalita na sana siya nang biglang may pumasok na kalalakihan sa clinic. Binitawan ko ang kamay niya at humarap sa mga pumasok na lalaki.

"Bro! You okay?"

"Ano ba yan pre! Kailan ka pa naging lampa?"

Pagkaharap ko ay agad na napako ang tingin sa isang lalaki. Agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita siya.

"Kuya Clarky!"

Agad siyang napatingin sa akin at nagliwanag din ang mukha niya. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at dinamba siya ng mahigpit na yakap.

"Baby D! Tangina, namiss kita!"

Agad akong humiwalay ng yakap sa kanya at sinuntok siya sa braso. Napadaing naman siya bago ako tinignan ng masama. "Bakit nagmumura ka parin? Wala ka bang pinag-aralan sa ilang taong wala dito sa bansang ito?"

Magsasalita na sana siya nang biglang may humila sa akin palayo kay Kuya Clark. Tinignan ko at bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Levi na para bang papatay ng tao.

"May I know what the fuck is happening here?" mapanganib na tanong niya sa amin. Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat si Kuya Clark.

"Come on Stanford, not my baby."

Kumunot ang noo ni Levi. "Your baby?"

Kuya Clark chuckled. "Yes, that's Caltarana's one and only princess, therefore, she's our only baby."

Magsasalita na sana si Levi ng pumagitna ako. "Hep! Kuya Clarky, huwag mo akong tawang prinsesa dahil ang bantot pakinggan." Bumaling ako kay Levi na nakakunot parin ang noo. Matalim ko itong tinignan. "At ikaw naman, sinong may sabi sa iyong bumangon ka? Wala pa ang sundo mo kaya humiga ka muna anak mayaman. Huwag kang matigas ang ulo, hindi porket mas matanda ka sa akin ay magmamatigas ka na. Lalabanan talaga kita kapag naubos mo pasensya ko." Agad naman siyang tumungo ulit sa clinic bed at humiga kaya matamis ko ulit siyang nginitian. "Good boy."

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon