Chapter 20

85 4 0
                                    

Sapphira's POV

Nakapangalumbaba lang ako habang nakikinig sa professor namin na nagover-time. Samantala, ang mga kaklase ko naman ay todo gawa ng paraan para mapansin ng guro namin na kanina pa time. Natatawa na lang ako sa ginagawa nila.

"Dianna."

Napatingin ako sa likod ko naman tawagin ako ng kaklase ko na nakaupo kasunod ko.

"Anong atin, Rolie?"

Napakamot ito ng ulo. "Baka naman masabi mo kay Ms. Trinidad na time na. Kanina pa nagtuturo yan e. Hindi ata narinig ang bell."

Natawa ako. "Alam mo naman na ayaw ni Ms. Trinidad na iniistorbo ang klase niya. Wala akong magagawa diyan."

Bumagsak ang balikat nito. "Parang tanga naman si Ms. Trinidad, kaya hindi magkajowa e."

Natawa ako pero hindi na ako sumagot at itinuon ulit ang tingin sa tinuturo ng guro namin. Ngayon ko lang napagtanto na may laro nga pala si Levi at malamang nagsisimula na yon kasi grabe na yung oras na nasakop ng professor namin. Malamang kaya nasusura ang mga kaklase ko kasi hindi sila makakapanood ng laro. Napabuntong-hininga na lang ako. Sana lang ay hindi magtampo ulit sa akin si Levi. Inaantok na ako kung tutuusin.

Papikit-pikit na ako nang biglang may kumatok sa pintuan namin. Hindi ko yon pinansin, ibinagsak ko na lang ang ulo ko sa desk bago pumikit. Hindi na kaya ng antok ko putek.

"Ms. Caltarana."

Napaayos ako ng upo nang biglang tawagin ang pangalan ko. Tinignan ko si Ms. Trinidad.

"Bakit po?" tanong ko.

May tinuro ito kaya sinundan ko ang tinuturo niya. Nagulat ako nang makita si Levi na nakapamulsa habang nakatingin sa akin. Nawala bigla ang antok ko nang makita ang napakagwapo niyang mukha, landi.

"Tawag ka ni Mr. Sanford." sagot niya bago inayos ang gamit niya. "Pasensya na kayo. Hindi ko namalayan ang oras. Maaari na kayong umuwi." dugtong nito bago lumabas ng room.

Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko kaya napangiti na lang ako. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Kasalukuyan akong nagaayos nang bigla kong naramdaman na may humawak sa bewang ko. Tinignan ko ito at nakita ko si Levi.

"Hindi ba nagsisimula na ang laro?" saad ko bago pinagpatuloy ang pagaayos.

"Yeah, umalis muna ako. Mamayang last game ako maglalaro." sagot niya bago ngumisi. "And besides, you're not there. I can't play."

Inirapan ko ito. "Ulol, wag ako." saad ko at akmang kukunin ang bag ko nang biglang kinuha ito ni Levi.

"I'll carry this."

Nagkibit-balikat na lang ako bago tinignan si Erin.

"Erin, tara na." tawag ko dito. Agad itong tumango at lumapit sa akin.

Nauna kaming naglakad palabas ng room samantalang nasa likod namin si Levi, nakasunod sa amin habang bitbit ang aking bag.

Agad kaming pumasok ng gym nang makarating kami at naghanap ng mauupuan.

"Saan tayo?" tanong ni Erin habang naghahanap ng bakante.

"I reserved chairs for the two of you." sabat ni Levi bagi naunang maglakad. "Come on, Erallyn and the others are there already."

Napasipol si Erin. "Boom, jackpot." komento nito kaya natawa ako.

Agad kaming nakarating sa tinutukot ni Levi at tama nga ang sinabi nito. Nandito na sina Savannah na abala sa panonood ng laro. Kinawayan nila kami nang makalapit kami.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon