Chapter 2

176 8 0
                                    

Sapphira's POV

"Impressive Dianna!" biglang palakpak ni Ash sa akin nang matapos kong sabihin ang flow ng intramurals. Napatingin naman ako sa ibang miyembro dito kung sangayon ba sila sa suhestiyon ko o hindi. Ngumiti naman sila at nag-thumbs up.

"That's good Dianna. Napakaganda ng suhestiyon mo pero kailangan muna natin iparating sa presidente baka biglang makatutol, sayang naman ang gawa mo." saad naman ni Erallyn. Ngumiti naman ako bago tumango. Kagabi ko lang ginawa itong programa dahil tinulungan ko pa yung Sport Chairman namin sa paggawa ng listahan kung saan ba ilalagay ang mga kaklase namin sa mga laro kasi goal namin ay maisali ang lahat ngkaklase namin manalo man o matalo, tapos nagaral pa ako paguwi ko dahil may long quiz kami kay Ma'am Yelta ngayon. Tapos ngayong unang meeting namin wala pa ang presidente kasi busy 'kuno' daw kaya kapag tinutulan ng presidente namin ang suhestiyon ko, naku ibabalik ko siya sa tiyan ng nanay niya.

"So, tapos na ang misyon kasi nakagawa na ako ng program. You see, doing program is too easy that doing narrative report. Kaya maaasahan niyo ako sa mga ganyang bagay." sabi ko bago kumindat sa kanila na siyang nagpatulala sa kanila. Inayos ko na ang gamit ko bago tumayo. "Kapag may suhestiyon ang presidente sa ginawa kong program, pakisabi na lang baka kasi hindi tumugma sa flow ng program. Thanks!" dagdag ko pa bago tuluyang umalis ng office. Habang naglalakad ako sa hallway, naalala ko na wala pala kaming klase sa ganitong oras kaya napagisipan ko na lang pumunta sa may puno sa labas kung saan ako madalas tumatambay para magpalipas ng oras. 

Nang makarating ako ay agad akong umupo sa malaking ugat ng puno bago lumanghap ng sariwang hangin. Inayos ko ang gamit ko at nagaral na lang ulit para sa long quiz ni Ma'am Yelta. Habang nagaaral ako ay may napansin akong grupo ng mga lalaki pero ipinasawalang bahala ko na lang yon, grupo lang yon ng lalaki at edukasyon ang ginagawa ko. Malamang mas tutuunan ko ng pansin ang pagaaral ko kesa sa mga yan. Duh, pagaaral ang pinaguusapan dito.

●○○○●

Mabilis lumipas ang araw at dumating na ang pinakaiintay ng lahat, ang intramurals! Ewan ko, ano bang meron doon? Maglalaro ka lang naman ng sports game tapos bagong jersey na naman, parada at kung ano ano pa. Wala naman nakakaexcite doon. Kaya hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit ang saya nila sa programang ito.

Nandito ako ngayon sa hallwayat patakbong tinatahak ito dahil malayo ang clinis dito. Kakatapos lang ng welcome program ng intramurals kaya naisipan kong kuhanin muna ang gamit ko sa eoom bago dumiretso sa clinic. Alam kong kaya na ng officers ang gagawin dahil nandito na daw yung presidente at approved naman daw yung flow ng program kaya di na ako nagpakita sa kanila matapos sinabi sa akin yon. Duh, ano pa bang gagawin ko? Tapos na ang misyon ko, baka maissue lang ako kaya mas gugustuhin kong lumayo na lang, sabihan pa akong sipsip, susmeyo marimar!

Agad akong pumasok sa clinis at bumungad sa akin ang isang doktor na may ginagawa. Agad akong lumapit dito.

"Magandang umaga po Ma'am." magalang kong bati dahilan kaya napaangat siya ng tingin sa akin. "Ako nga pala po yung napiling estudyante para daw po tulungan kayo dito." dugtong ko bago ngumiti. Tumango naman siya bago inimuwestra sa akin ang bakanteng upuan. Umupo naman ako doon bago itinuon ulit sa kanya ang pansin.

"So I must say, you're Miss Caltarana. I heard magaling ka daw when it comes to first aid. Nasabi ko kasi sa Dean na baka hindi kayanin ng team namin incase na may mangyaring aksidente kaya naisipan namin kumuha ng isang estudyante sa Medicine." saad niya bago umayos ng upo at ngumiti sa akin. "Don't worry, ipatatawag ka naman daw kapag may laro kang lalaruin. Atsaka, ikaw yung naatasan na maglilibot para daw mapadali ang paggamot sa mga mapupuruhan. Huwag kang magalala, pwede ka naman bumalik dito kapag napagod ka, pwede kang makipagpalit." dugtong naman niya. Ngumiti naman ako sa kanya.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon