Chapter 40

72 2 0
                                    

Sapphira's POV

Tatlong araw.

Tatlong araw na ang nakalipas nang makauwi kami ni Levi galing sa bakasyon. Sa tatlong na nakalipas, hindi pa rin magaling ang sugat sa tuhod ko pero hindi na naman siya nakirot, masakit pa rin siya pero mas masakit kapag nadadali.

Naalala ko noong isang araw, abala ako sa pagkain ng mansanas sa kusina habang si Levi ay naghahanda ng pagkain. Nakalimutan ko na may sugat nga pala ako kaya walang pagiingat ko na itinaas ang paa ko sa upuan pero tumama yung sugat ko sa baba ng lamesa kaya lumikha ng malakas na tunog. Napasigaw pa ako noon kasi sobrang sakit. Pero yung reaksyon talaga ni Levi, parang natatae. Hindi alam ang gagawin. Tinawag pa ang private doctor nila kasi nagdugo yung sugat ko. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o ano sa itsura ni Levi, pawisan na pawisan e. Parang tumakbo ng ilang daang kilometro.

At yung parusa 'kuno' ni Levi? Tangina siya, isang malaking scam amputa. Pero ayos lang sa akin kasi ayokong maparusahan.

"Sapphira."

Inosente akong umiinom ng delight at tumingin kay Levi nang tawagin niya ako. Kasalukuyan akong nasa sala at nakaupo sa sofa at nanonood ng movie. Pupunta sana ako sa hospital noong isang araw kung hindi lang nangyari yung insidenteng yon. Sinabihan ko na lang si Celine na titignan ko na lang yung batang nagwawala sa isang linggo dahil hindi ako payagan ni Levi umalis at magpahinga na lang daw ako.

"Hmm?" tanong ko dito habang sumisipsip sa straw ng delight ko. Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa tabi ko. Agad na pumalibot ang braso nito sa bewang ako at marahan akong hinila palapit sa kanya hanggang sa isandal niya ako sa dibdib niya. Naka-suit pa ito dahil kadadating niya lang sa trabaho kaya ibig sabihin, magtatakip-silim na.

"How are you today? How's your day? Hmm?" malambing niya tanong habang panaka-naka siyang humahalik sa ulo ko. Mula noong nagkasugat ako sa tuhod, walang araw na hindi siya nagtatanong sa akin kung kamusta na ang sugat ko. Napaka-alalahanin niya.

"Hmm, okay lang. Bored, gusto ko na magtrabaho." sagot ko bago uminom ulit ng delight. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago marahang hinaplos ang buhok ko.

"You know you can't work. You need to rest here in my penthouse." saad niya. Noong umuwi kami galing sa bakasyon, dinala niya ako sa penthouse niya at sabi niya, dito na na daw ako titira simula ngayon. Dadalhin na lang daw ng mga tao niya yung mga gamit ko kasama ang kotse ko.

"Ay, Levi. Bakit dito ka na nakatira? Nasaan na yung dati mong condo?" tanong ko dito nang maalala ko ang dating niyang tinirahan. Naramdaman ko na natigilan siya pero kalaunan ay sumagot din.

"Pinagbenta ko na." malamig niyang sagot. Tumingala ako para makita ang itsura niya. Nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakatingin lang sa harap.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Tumingin siya sa akin bago hinalikan ang noo ko.

"It doesn't matter anymore." sagot niya bago ngumiti sa akin. "Did you eat already?"

Tumango ako bago inayos ang pagkakasandal sa dibdib niya at ipinokus ang tingin sa pinapanood. "How about you?"

"Yes, I had a dinner with my business partner." sagot niya. "You're still not sleepy?"

"Nope. Nagpapaantok pa lang." saad ko bago pumikit. "Gusto ko ng matulog pero ayaw ng diwa ko matulog."

Naramdaman ko ang isa pa niyang braso sa isa kong bewang at binuhat ko. Inilapag niya ako paharap sa kanyang hita kaya ipinulupot ko ang braso ko sa batok niya at isinuksok ang mukha sa leeg niya.

JUST A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon